Chapter 3: Second Meet

1287 Words
BIANCA MARIE ALVARES Habang naglalakad sa hallway ay napatulala ako. Hindi ko alam ang gagawin ko, ewan ko ba but I have this feeling na para bang hindi ako mapakali lalo na nung makita ko yung babae kanina sa CR. Hindi ko sigurado pero pakiramdam ko there's something with in that Girl. She's obviously checking me out. "Oh no... No way! Bianc's pwede ba? Hay nako tigil tigilan mo yang pagiisip mo riyan at get back to yourself!" pagsusumiksik ko sa isip ko at bahagya akong natumba at nahulog sa sahig. "Aray!" wika ko habang hinihimas himas ang ulo ko at inaayos ang salamin ko ng mabungaran ko kung sino ang..... wait? Ang gwapoooo! Natulala nanaman ako at aktong ngumanga ako ng hindi ko namamalayan. Ilang minuto pa ako sa ganoong posisyon ng marinig kong may nagsalita mula sa likuran ko. "Hoy! Bianca Maria! Saan ka namaaaan nangaalingggg..." at aktong dahan dahan siyang nagsalita ng makita ang taong nasa harapan ko. "Amm.. Miss? O-okay ka lang ba?" at aktong iniabot niya ang kanyang kamay sa akin. Shet! Eton a ba yon? Ito na ba yung sinasabi nilang... Hmm Love at first sight? God! Kung ito na nga poi yon s**t pwede niyo na po akong kunin. Nakanga nga lang ako at hindi na sumagot pa sa kanya. Tinignan ko siya ng mariin sa mukha, halatang galiing ito sa training dahil pawis na pawis at nakasuot ng School jersey at medyo may katangkaran. At bigla na lang akong bumalik sa realidad ng may bumatok sa akin. "Arayy! Ano baaa..."pagpapabebe kong sinabe. Teka? Bianca? Saan mo naman nalaman ang 'pabebe' word na iyan? "Amm.. Mr. Pogi, hihi papaalam na kami ni Maria ah? Kasi amm may klase pa kami." palanding sabi ni jobelle. Aba'y aagawan pa yata ako ah? "Amm... Bianca Marie nga pala!" sumingit ako agad at aktong iniabot ko ang kamay sa lalaking kaharap ko ngayon. "Amm... Carlo Ray." sabay abot din ng kamay sa akin. s**t! Nang mahawakan ko ang kamay niya, gad! ang bango at ang lambot. Hindi ako nakapagsalita agad at hindi namalayang napaawang na pala ang aking bibig sa sobrang paghanga sa gwapong ito. Nang magsalita si Carlo Ray daw ang pangalan ay bigla akong natauhan sa realidad. "Amm.. Bianc's? I need to go." at nakangiti pa itong tumitig sa akin. Shet! Matutunaw na ako sa ginagawa niyang pagngiti sakin. "See you around!" at aktong napatakbo naman ito ng mabilis. Hindi pa din ako maka get over sa nangyari kanina. GRABE lang ang kilig ko. s**t. "Hoy! Maria!" at agad napukaw ang pansin ko ng may napasigaw mula sa likuran ko. "Ano ba?! Para kayong mga tange e! Tsaka tigil tigilan niyo nga ang pagtawag sa akin ng Maria!" inis kong sabi. Sila Jobelle naman pala akala ko kung sino. "Para ka namang tanga, late ka na sa klase at may gana ka pang magpaawang ng bunganga mo riyan!" galit na sabi ni Jobelle. "Ayyy! s**t! What the heck! Anong oras na ba? Bat kasi hindi ninyo ako pinutahan agad rito!" Aba naman nakita pala nila akong mukhang tanga dito. "Aba naman Bianca Marie Alvares? Kami pa ang sinisisi mo ngayon ha? E kung batukan kaya kita?" at aktong itinaas na niya ang kanyang kaliwang kamay, inidikasyon na babatukan niya ako ngunit agad akong nakailag. "Oh! Oh! chill lang, joke lang e." at aktong binitbit ko ng maayos ang mga gamit ko. "Oh tara na at malelate na tayo!" ano ba naman itong si Fati! Habang hawak ang kamay ko ay din a nawalan ng hawak na pagkain. Hay nako. **** Mga ilang minuto pa kami patakbong nagtungo sa classroom. Nang makarating na kami sa harap ng classroom ay agad agad kaming pumasok na tatlo. Ngunit sa kasamaang palad ay... Nagalit ang prof namin dahil sa 30 minutes late na kami. Napansin ko din na pinagtitinginan na kami ng mga kaklase namin. "Wow, napakalate niyo naman para sa Fisrt day niyo mga hija?" medyo inis na sabi ng prof. "We're very sorry Ma'am naligaw po kasi kami." Pagdadahilan ko. "Okay, but next time please be on time. You understand?" Sumagot naman kaming tatlo ng sabay sabay. "Yes Ma'am." Nang makaupo na kami sa bandang harapan ay agad kong kinuha ang notebook at ballpen ko handa na para sa discussion mamaya. ---- RIZZA SANDOVAL Nang matapos ang insidente kanina sa CR wit that 'weird' woman, ay agad na akong lumabas ng CR. Hinanap ng mata ko ang mga Kaibigan ko pero iba ang nabungaran ko. Si Jade, ang ex ko. "Amm... H-hi Rizza." pautal na sabi niya. "Ow hi." sabay nagwave pa ako ng kamay sa kanya. "So kamusta ka na?" walang patumpik tumpik na tanong ko. "O-okay lang naman. I-ikaw?" ano ba naman tong babaeng to? Bakit parang ninenerbyos pa ang loka? "Much better nung nawala ka." and I just smirked at her. Umalis na ako pagkatapos namin magusap. Small talks makes me bored kaya agad ko siyang nilayasan. Habang naglalakad lakad ay hindi maiwasang mapukaw ng tingin ng mga estudyante ang kagaya ko. Hindi kasi ako naguuniform, kadalasan ay nakaporma ako sa University. Well, okay lang din naman dahil malaki laki din ang ininvest ni Daddy dito kaya wala silang reklamo kapag ako na ang pumapasok. Nang makita ko na sila ay agad na akong lumapit sa kanila at niyaya na silang pumasok sa room. **** Nakaupo kami sa dulo ng class room. Naguumpisa nang magpakilala ang magiging prof namin nang may bumukas ng pinto at aktong nabungaran ko ang isang pamilyar na pigura. Hindi man ako sigurado pero pakiramdam ko ay nakita ko na siya somewhere. Mariin ko siyang tinignan pero hindi ko talaga maalala. Nang makapasok na siya kasama ang dalawang babae ay humingi siya nga paumanhin sa prof at agad umupo sa harapan. "Okay class, let's have a little Introduction about yourself." Nang magumpisa ng magsalita ang mga nakaupo sa harapan, ako naman ay nacecellphone lang. **** Habang kinakalikot ko ang Cellphone ko ay biglang may nagsalita na pamilyar na boses sa harapan. Pagtaas ko ng ulo ko ay nabungaran ko ang isang magandang babae, nerd siya, medyo weird manamit pero hindi iyon ang nakapukaw ng pansin ko. Kundi ang boses niya dahil pamilyar siya sa akin. "Hi everyone, I'm Bianca Marie Alvares, 16 years old.-----" hmmm pilit kong inaalala kung saan ko siya nakita. Nang may naisip ako, yung kanina sa CR. Hindi kaya siya yung--- Tama! Siya nga. Siya nga yung weird na babae don na parang white lady na nakatingin lang sa salamin. "Aba! Aba! pagkasineswerte ka nga naman oo no? At dito pa tayo magkikita at magkaklase pa tayo." pagsusumiksik ko sa aking isip habang nakikinig lang sa mga pinagsasasabi niya. Nang hindi inaasahang magtama ang aming mga mata. Nakaramdam ako ng pagbilis ng t***k ng aking puso, hindi ko mawari kung bakit ganoon na lamang katindi ang pagtibok ng puso ko lalo na sa babaeng iyon. Sh*t. Ayokong makaramdam ulit ng ganito. Chill Rizz, masyado yatang mabilis ang pangyayari. Pilit kong pinipigilan ang sarili ko. Bigla kong iniwas ang aking pagkakatitig sa kanya. Bigla akong nailang sa mga mata niya, yung aura niya na parang hinahanap hanap ko na. "Ano ba ang nangyayari sakin?" tanong ko sa aking sarili. Napatulala ako. Sh*t lang. "Rizz? Okay ka lang?" tanong ni Pat sa akin. Hindi ko alam kung ano ba ang nangyayari sa akin. "A-Ahh? A-ano?" yan lang ang nasabi ko habang tinignan ko siya. "Sabi ko, kung okay ka lang. Kanina ka pa kasi tulala at hindi nagsasalita. Nakakapanibago." Sambit nya habang humarap na siya sa board. Hindi na ako muling umimik pa, at bumalik na lamang ako sa pagkalikot sa cellphone ko. What is damn happening to me?! Arghh! This nerdy girl! Nakakainis!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD