BIANCA MARIE ALVAREZ Pagkatapos ng nakakakilig na moment na iyon sa loob ng kotse ni Rizz ay hindi ko mapigilan ang mapangiti. Papunta kami ngayon sa isang laundry shop dahil may ipapakilala daw sakin si Rizz na isa sa pinakamalapit niyang kaibigan. Habang nasa byahe ay hindi ko pa di maiwasan ang kiligin dahil hanggang ngayon ay hawak niya ang kamay ko at hindi ito binibitawan. Sobrang ramdam ko ang care at love niya sakin kahit na kami na. To my surprise e hindi ko din naman inaasahan na maiinlove ako sa gaya ni Rizz. Sa katunayan kitang kita sa loob ng campus na pinagtitinginan kami dahil sa sweet si Rizz sakin. Lingid sa kaalaman ng lahat ay kami ni Rizz, ngunit syempre hindi naman dapat lagi ay naglalandian kami sa loob ng campus though isa sa may ari ng School ay ang pamilya ni

