"H-hindi pa ako nakapasok sa mga ganito. Sigurado ka ba? Baka mapagalitan tayo." kinakabahang wika ni Janine. Ngumisi ako. "Wag kang mag-alala. Mabilis lang naman tayo eh. Gusto ko lang sumilip saglit. I just want to know what's with these place at laging pinupuntahan ng mga tao." Hinila ko si Janine papasok sa loob ng isang bar. Isa itong tagong lugar dito sa La Paraiso. Habang naglalakad lakad kanina para matunaw yung dinner na kinain ko, I found this. Actually, I heard someone talking about this place kaya sinundan ko siya and here I am. Nang nasa loob na, sobrang namangha ako ng makita yung iba't-ibang kulay ng mga ilaw sa loob. Sobrang lakas rin ng tugtog to the point na kailangan naming magsigawan para marinig namin ang i

