Ilang araw akong iyak lamang ng iyak. Wala akong ibang gusto kundi ang makita at makausap si Thunder. Gusto kong ipaalam sa kanya na okey lang ako... Na ako yung Ally na hinahanap niya. Pero ayaw makisama ng katawan ko. Ang sakit sakit ng pakiramdam ko. Iniisip ko pa lang na naghahanda siya ngayon para sa kasal niya sa ibang babae, parang mamamatay na ako. "I need to see him. Please let me see him." pakiusap ko kay Nanay Rosa. "I'm sorry, Ally... I can't let you see him." "W-why?" "Dahil ayaw kong masaktan ka." "Wala kayong karapatan para magdesisyon sa kung ano ang dapat kong maramdaman. Mahal ko si Thunder. Pag tuluyan siyang mawala sa akin, hindi ko kakayanin." Yumuko ito. "Yan

