"I didn't know you had a grand daughter, Mrs. Mariano?" biglang wika ng lalaki. "Maybe that's because you never really cared about other people, Mr. Ramirez. Do you need anything from Alexa? Mukhang marami kang gustong itanong sa kanya?" Ngumisi ang lalaki. "Not really... Kamukhang kamukha niya lang yung kakilala ko. I thought it was her." Napataas-kilay ako. May kamukha ako? Talaga? Sa ganda kong toh, akala ko extinct na ang beauty ko. Char langs. "Kung ganun ay mauuna na kami sa iyo, Mr. Ramirez. Mukhang gusto pang mamasyal nitong apo ko." Hindi sumagot ang lalaki. Ngumiti lamang siya at hinayaan na kami. Ngumiti na lang din ako sa kanga bago ako naglakad palapit kay Nanay Rosa. Inalalayan ako

