Hindi ako mapakali habang nasa kwarto ko sa hotel. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ni Mr. Ramirez when he said na sisiguraduhin niyang magbabayad ako sa ginawa niya. I don't know if he's threatening me or warning me. Hindi naman siguro siya yung klase ng tao na mananakit ng babae dahil lang sinampal siya, ano? I mean, siya naman yung nauna. He was mocking me! Huminga akong malalim. Kalma, Alexa. Wag kang papadala sa mga sinabi niya. You're here to enjoy, to relax... Don't mind him. Napatingin ako sa pinto ng may kumatok. "Si Janine ito." Tumayo ako at binuksan ang pinto. Bumungad sa akin si Janine. Dala nito ang lalagyan ko ng gamot. I thought nasa bag ko iyan? Hindi pa ako naga-unpack kaya hindi ko pa na-

