Matapos ang isang araw na pagpapahinga sa hospital, nakalabas na rin ako sa wakas. Hindi ako agad bumalik sa boarding house. Like what dad said, sa bahay na muna ako nag-stay. I took a leave sa trabaho. Pinayagan naman ako ni Mrs. Castillo ng marinig niya ang nangyari sa akin. She even visited me sa hospital kinahapunan. Nakakahiya nga eh. Ang laki ng kasalanan ko sa kanila. Binabayaran ko ang kabutihan nila ng kawalanghiyaan. I feel ashamed. "Come out." napakunot noo ako ng mabasa ang message ni Thunder. "Bakit? Are you outside?" reply ko. "Yeah. Sa park. Hindi ako aalis rito hangga't di mo ako pinupuntahan." Tss. Ano na naman kayang trip ng lalaking toh? After niya umalis kahapon sa hospital, hindi na siya bum

