31: The Naughty One Maaga na nagising si Savanah dahil iyon din naman ang nakasanayan ng dalaga at hindi na rin siya masyado pang nag pupuyat kaya iyon din ang pangunahing dahilan na nagigising siya kaagad kahit walang ingay o 'di kaya may taong gigising sa kaniya. Nag ayos na lang din muna ang dalaga bago bumaba ng silid nito at dumiretso sa kusina na agaran niyang nadatnan si Felice at si Draco na nag luluto, rinig din ni Savanah ang pinag uusapan ng dalaqa tungkol pa rin sa nangyari sa vineyard. Naiintindihan din naman ni Savanah kung gaano kalaki ang issue para sa kanila dahil nga sa pag salanta ng bagyo sa taniman ng mga halaman nilang panggawa ng wine. Maari rin kasi na mag ship na agad ang susunod na batch ng kanilang product at wala pang nasisimulansa pag gawa ng inumin dahil nga

