27: Did He Just Ask For My Help? Parang ngayon lang ako nakaramdam ng ginhawa pagkatapos ng nangyari kanina. Natagusan talaga ang suot kong beige jeans kaya pinahiram na ako ni caleb ng kaniyang jacket. May natira pa naman pa lang kabutihan sa lalaking iyon at binilhan ako ng napkin sbaay pahiram ng coat nito. Nang maka-uwi na kami sa rest house ay nag-hot shower na lang muna ako saay hot compress dahil sa sakit ng puson ko. "Ba't walang kumot dito?" Kanina pa ako naghahanap ng kumot dito sa mga cabinet sa kwarto kung saan ako titigil pero wala talaga akong makita. Pasado alas-nuebe na rin kasi ng gabi at lahat dito sa rest house ay pagod na rin kaya baka wala na akong mapagtatanungan tungkol sa kumot. Hindi pa naman ako sanay kapag wala akong gamit na kumot kapag natutulog lalo na't a

