37: Sweet Gabi na at madilim nang maka balik sila Caleb at si Zeb sa rest house. Agad din naman sila na binigyan na ng makakain sa gabi ni Felice at habang nasa loob ng silid kainan ay sinimulan namang hanapin ni Zeb si Savanah at nag tataka kung saan na ito napunta. Napansin din naman ni Caleb ang pinsan niyang kanina pa lingon nang lingon sa paligid ng kusina at sa oras na iyon ay alam na alam na niya kung sino ang hinahanap ni Zeb. Natapos ang kanilang hapun ng mga limang at agad din naman na dumiretso Caleb palabas ng bahay at naiwan doon si Zeb at si Felice sa loob ng kusina. Tahimik lang din naman ang babae sa pag hugas ng mga pinag kainan ng boss niyang si Caleb at ang pinsan nitong si Zeb, bigla na lamang lumapit ang lalaki sa kaniya habang nag huhugas dahilan upang magulat siya

