19: The Dog and the Cat

1505 Words

19: The Dog and the Cat "Ano, ready na ba ang mga gamit mo, Sav?" Napalingon ako kay Pearl nan magsalita ito. Nakatayo siya sa harap ng pinto ko habang sunod-sunod ang pagbuntong-hininga. Kagabi pa siyang ganito dahil aalis na ako at nalulungkot din naman ako pero wala akong magawa. Napatigil muna ako sa pag-aayos ng mga gamit ko at lumapit na sa kaniya. "Hayaan mo, kapag nabayaran na natin si Sandra at pinayagan ako roon ay isasama kita," nakangiting paliwanag ko sa kaniya. "Talaga? Isasama mo ako?" "'Oo naman!" "Yay!" Napayakap na siya sa akin sa sobrang tuwa. "Hayaan mo, kapag nandoon na ako ay ipagluluto kita palagi ng pagkain natin, hindi rin ako magiging pabigat sa'yo." Marahan ko na siyang hinampas sa braso dahil kung ano-ano ang mga sinasabi niya. "Tumigil ka nga, akala ko na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD