33: It Was Like a Debate "Okay so ano, kailangan ko ng limang tao na sasama sa akin palabas ng farm para linisin ang kalsada, kukuha rin ako ng tulong sa bayan pars matanggal yung nga nakatambak na mga lupa sa daan pa rin. Limang tao lang ha ang iba maiwan dito at mag patuloy sa pag banta ng vineyard. Puntahan niyo lang ako sa labas pag may kailangan si sir Caleb dito. Nasa rest house lang siya na nag papahinga, kayo na ang bahala dito," ang sinabi naman ni Draco sa mga nag titipon na mga tao sa kubo. Ala-una na rin naman ng hapon, ang ilan sa mga tauhan ay nagsi balik na sa pag tanim at ang iba ay inaayos pa rin ang mga bakod ng taniman. Si Savanah naman ay nakain pa rin sa mesa nito habang nakikinig sa mga sinasabi ni Draco sa mga tao. Wala rin naman siyang masyadong pinag kakaabalaha

