22: A Night Together Sa totoo lang, simula noong umalis si Caleb ay nagpaturo talaga ako kay mama kung paano lutuin ang chicken afritada. Sa tuwing pupumunta sa bahay si Caleb ay iyon palagi ang nire-request kay mama na hindi na siya nagsawa. Hindi kasi marunong ang mga magulang niyang magluto dahil palaging busy sa kani-kanilang mga trabaho. "You can sleep on the other room." Napatingala naman ako kay Caleb nang makalabas na ito galing sa kaniyang kwarto. "Talaga? Hindi mo ako patutulugin sa sahig? Sa kabillang kwarto talaga?" nakangiting tanong ko pa sa kaniya. Hindi ko naman akalain na may natitira pa pa lang kabutihan sa puso ni Caleb para sa akin. Kulang na lang kasi talaga ay isumpa niya ako dahil palagi na lang itong galit sa akin. Marahan nang lumapit sa akin si Caleb sabay t

