"HINDI mo naman kailangang gawin ito..." nahihiya pang wika ni Liv kay Rafe. They were in Paris, France right now. Ang original na plano ay napalitan. Sa halip na si Yaya Ester at Tito Bryan para sa celebration ang sumama sa kanya sa Paris, si Rafe na iyon. Pero sa kabila ng sinabi, masaya si Liv. It was her another dream. Sa totoo lang ay gusto talaga niyang makapunta sa Paris kung si Rafe ang kasama niya. Noong nag-honeymoon kasi sila ay sa Maldives siya dinala ni Rafe. He said it was his dream place. Nag-enjoy rin naman siya roon pero dahil hindi naman iyon ang matagal na niyang pinapangarap na lugar, hindi siya ganoon kasaya. Hindi naman niya mai-open kay Rafe ang gusto niya dahil ayaw niyang maisip nito na demanding siya. Isa pa, it was Paris. It's the city of love. Paano

