Chapter Twelve

1206 Words

"KAUNTING taas pa sa kaliwa—no! I said right!" "Ha? But, Gella, you said—" "Ah, never mind! 'Wag mo na lang isabit! Ang hirap mong bigyan ng instruction, Kelvin!" Nakasimangot na sumandal sa headboard ng kama si Gella. Hindi pantay ang pagkakasabit ng wedding picture nila ni Kelvin sa pader ng kuwarto nila kaya naiinis siya. Dumako ang tingin niya kay Kelvin. Mukhang tinatantiya nito ang mood niya. Natunaw naman agad ang inis niya nang makita ang pag-aalala sa mga mata nito. Isang buwan lang sila naghanda para sa kasal dahil ayaw niyang magmartsa sa simbahan nang malaki ang tiyan. Isang linggo na ang nakalilipas mula nang ganapin ang seremonya at ngayon ay nakatira na sila sa bagong biling bahay ni Kelvin. Maliit daw kasi ang condominium unit nito para sa magiging pamilya nila kaya bum

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD