Marahang iminulat ni Shane ang mga mata. Napahawak sa sariling noo na bahagyang kumislot. Bigla siyang napabalikwas ng bangon nang maalala si Justine at ang pagtatagpo ng kanilang mga landas. Ang huling natatandaan niya ay ang tunog ng malakas at nakakabinging putok ng baril bago tuluyang nagdilim ang paningin niya. Patay na ba siya? Oh, no! Hindi puwede, kailangan pa siya ni Raven. Mabilis na histerikal ng isip niya. "How are you feeling, my sweet?" Mula sa pinto niluwa n'yon ang lalaking kahit yata sa kabilang buhay ay laman pa rin ng diwa niya? "Raven?" Tila siya namamalikmatang nakatitig sa bagong ligong binata. Wala itong pang itaas na damit. Napalunok siya nang bumaba ang tingin niya sa ibabang bahagi ng katawan nito. Naka boxer short lang ito. Nasasamyo rin niya ang shower ge

