Inaayos niya ang sarili nang makarinig ng katok mula sa labas. Naisip niya na baka nagpadeliver ng bulaklak si Raven para sa kanya to compensate sa hindi nito pagsama sa kanya sa hospital. Subalit mali ang hinuha niya bagkus ang napagbuksan niya ay ang babaeng kasama ni Raven sa restaurant kahapon. At ano na naman kayanang ginagawa ng babaeng ito dito? Pinasandahan siya ng tingin ng babae mula ulo hanggang paa. Nasa mga titig nito ang di pagkagusto sa presensiya niya. "So, it was true that you two are living in the same roof. Well, not surprising. Sadyang naglipana sa Pilipinas ang mga babaeng oportunista na kagaya mo," Abot-abot ang pagpipigil niya sa sarili na huwag masuntok ang nguso ng di-inaasahang panauhin. "Bakit hindi mo na lang akong diretsuhin kung bakit ka nandito? Well, ob

