PARANG nalulunod na kumunyapit ng yakap si Ysa sa batok ng lalake. Lumalim ang pinagsasaluhan nilang halik. Nang ipasok ni Caine ang dila nito para galugarin ang loob ng bibig niya, walang pagdadalawang-isip na nagbigay siya. Nagpingkian ang kanilang mga dila. Sa lalong pag-iinit ng kanyang damdamin, waring udyok iyon upang tapatan ang maiinit na halik na iyon ng lalake.
Napaungol ito sa kanyang ginawa. Mayamaya'y bumitaw ito sa kanyang mga labi. Naglakbay iyon sa likod ng tainga niya, sa leeg-kumagat nang marahan, sumipsip. Tumakas ang ungol sa kanyang lalamunan sa sa ginawa nito. Iglap pa'y nagsasaliksik na rin ang kamay nito. Pumasok iyon sa loob ng kanyang roba. Sumapo ang isang palad nito sa kanyang dibdib na tila nag-aalinlangan pa muna bago marahang pinisil. Nang damhin nito ang utong niya'ng waring naghihintay lang sa paghawak nito, nangaligkig siya sa kuryenteng waring nagsipaggapangan nang walang puknat sa kanyang katawan. Sumentro iyon sa kanyang pagkababae sukat para tuluyang mapukaw ang kaibuturan na waring biglang nagnanais ng pagkatighaw. Ang nangyari, 'di na niya matandaan kung paano'ng tuluyang nakalas nito ang kanyang bra at ngayon ay salitang pinagpapala ng labi at dila nito ang dalawang dibdib. Lalong nagningas ang dalawang korona. Kumbaga sa bulkan, nag-aalburuto na sa pagiging sensitibo nu'n. Sa pakikipag-agawan ng malamig na hangin sa tuwing iiwan ng labi nito ang isa upang pagpalain naman ang kabila, nakaturo na iyon. Buhay na buhay. Naghihintay. Nagmayabang sa tigas.
Napaliyad siya sa sarap na nadama. Nasabunutan ito. Sa pagkakadiin niya rito, ramdam niya ang pagkabuhay sa dakong ibaba, nagsusumigaw para makawala. Sukat doon, nagsipagtalsikan sa hangin ang kuryenteng bumalot na sa buong katawan kaya lalong idiniin ang sarili rito.
"Ooh...C-caine..." Impit na daing niya. Habol ang hininga na naikunyapit ang isang binti sa likod nito.
Naramdaman na lang niyang tila siya lumutang sa ere. When she chanced to open her eyes, Caine held her so tight in his arms and looked at her directly. Desire was written all over his face amindst the glare of the moonlight. She gasped at the intensity.
"M-may tsansa ka pa para umurong," habol ang hininga'ng saad nito sa kanya. Sa paraan ng pagbigkas nito sa mga katagang iyon, talos niyang napipilitan lamang.
Hindi siya kaagad nakakibo. Sumalit ang nagsusunurang tilaok ng tandang sa katahimikang namagitan sa kanila.
"Y-You want me to?" halos paanas na tanong niya.
"Hell, woman. Kung ako lang ang masusunod, I will take you right here. Right now. I want you. Pero binibigyan kita ng pagkakataon na umurong pa para sakali man at magsisi ka pagkatapos, wala ka'ng kasusuklaman."
Nagtiim-bagang ito. Nagpipigil. At sa init ng mga mata nito'ng waring nag-aapoy sa gitna ng malapilak na sinag, malamang nga'y matutupok siya. A moth to a flame. Would she dare?
Pakiramdam niya'y tila umikot ang paligid nang alihan siya ng kahihiyan. Nasubhan ang apoy sa damdamin niya.
May nginig pa'ng kumalas ng yakap ang mga bisig niya sa batok nito.
Waring iyon lang naman ang hinihintay ng lalake nang unti-unti ay ibaba siya at gabayan siyang tumayo. Nilinga niya ang buwan. Parang nahihiya din ito'ng nagtago sa balumbon ng mga ulap. Sa bahagyang pagdilim ng paligid, parang noon nagsipagbalikan ang lakas sa kanyang mga paa. Unti-unti ay napaurong siya palayo kay Caine. Sa pag-urong niyang iyon, ramdam niya sa kanyang damdamin ang animo pagdatal ng kahungkagan doon. May pait na umusbong.
Iglap, halos takbuhin niya ang daan pabalik sa pinanggalingan habang pilit na inaayos ang sarili. May luhang namalisbis sa kanyang mga mata. Ngunit hindi naman niya mawari kung para saan ang pagluha niyang iyon.
Naiwang animo tinadyakan ng kabayo sa dibdib si Caine. The rejection was a blow to his ego. Masakit. Sa bawat distansiyang nasasakop ng babae palayo sa kanya, parang gusto niyang habulin at huwag nang pakawalan. But would he be that greed, selfish, and unhonorable man again? Kailangan ba niyang ulitin muli ang isang kahapong pinagsisikapan niyang limutin?
Maybe, it was too much to ask. Pero alam niyang hindi lang guni-guni iyon. Giving Ysa the chance to take a stand even amidst the heat of the moment should be a balsam hand that carefully wipe out the scar of the past. Kailangan niyang isiksik ang katwirang iyon sa kukote niya. Masyado siyang may alam sa sitwasyon ng dalaga. And he was already stepping on the boundaries he'd drawn all on his own.
He'll be damned if he'll crossed it on his own and not do a thing to fight the cause.
PARANG isang masamang panaginip lang.
Iyon ang nais isipin ni Ysa sa gitna ng pagyugyog ng mga balikat sa ilalim ng sumasagitsit na dutsa. Hindi niya alam kung ano'ng klaseng mahika ang kumubabaw sa kamalayan niya para ibato sa hangin ang pang-iingat na dapat sana'y naging sanggalang niya nang mga sandaling iyon. Siguro nga dumarating sa buhay ng tao ang mga kahinaang pinagbibigyan na lang kaysa labanan. Kaya siguro kinakatwiran na lang din na dahil tao ka lang. Pero dama niya'ng ayaw niyang tanggapin ang katwirang iyon kung alam niyang may magagawa naman siya. And she should be proud the moment she walked away from that tight embrace though it promised a thousand delicious carnal pleasure that make her tingle and sizzle all over. All thanks to Caine for giving her a chance to do so.
Humanga siya roon. Mahirap ang ginawa nito. In fact, kung hindi nito ginawa iyon, malamang ay nagpaubaya siya. And she might be busy berating herself for days to come the moment reasons will going to flood her brain kagaya na ng hula nito.
Kaya, hindi niya dapat nararamdaman ang kahungkagang iyon sa dibdib niya, 'di ba? Paano na niya ngayon ito haharapin nang taas-noo? At kung haharapin nga niya, ano dapat ang magiging reaksiyon niya?
Naikuyom niya ang kanyang kamao na napaharap sa baldosa at doon niya naibayo iyon. Mayamaya, inabot ang sabon at minsan pa'y ikinuskos iyon sa buong katawan na para ba'ng kapag ginawa niya iyon ay kasama ring mawawala ang ang mapangrahuyong tagpo nilang iyon ng lalake. Pero hindi. Kahit nasubhan ang apoy na kanina'y bumalot sa katawan, parang ramdam niya pa rin ang maiinit na halik na iginawad ng lalake sa kanyang labi, sa kanyang tainga, sa kanyang leeg, pababa sa kanyang dibdib...
Aaahhh... Dahil hindi niya maitatanggi na may marubrob ding pagnanasa ang lalake sa kanya. Nagniningas iyon sa sarili nitong mga mata. Ipinaramdam din ng bahaging iyon ng katawan nito. He wanted her. Minsan pa'y naitanong niya sa sarili: Para saan ang mga luha'ng sumasabay sa paggulong ng tubig sa kanyang mukha? Hindi niya maintindihan. Waring nalilito siya ngayon. Dahil kung ibabase niya ang naging reaksiyon niya kay Caine, parang lumalabas na hindi ganoon kalalim ang sugat na dala-dala niya sa kanyang puso dahil sa kataksilan ng nobyo at ng ina-inahan. Samakatwid, hindi rin buo ang pag-ibig na ibinigay niya kay Daniel!
Tumiim ang mga bagang niya. If people around her show how easy it was to just enjoy the carnal pleasure, would it be good to do the deed without having to feel guilty? Without having to bare everything on the line especially that thing called love and just basked on being alive and live for the moment?
Hah, if that was the case, why not dance the rhythm now and let tomorrow take care of itself?
May nabuong pasya sa dibdib niya.