Chapter 11

2873 Words
"hoy, tama na! Mamaya nyan pati plato makain mo." halos hindi kumain si john, puro sita lang ito sa akin. "ano ka ba, masarap kaya. Tikman mo." utos ko dito habang ngumunguya. Ganito kasi ako kapag mainit ang ulo. Pagkain lang sapat na. "sya nga pala bat mo naman sinagot sagot si sir Matt kanina. Baka mamaya magalit yun" tanong sa akin ni john habang nilalaro ang kutsa. "bakit? totoo naman yung sinabi ko ha!" dipensa ko dito. Binilisan ko ng kumain dahil, 15 minutes nalang tapos na ang break. "barbie, mamaya ha. Baka makalimutan mo. Sunduin nalang kita sa inyo, ipapahiram kasi ni dad yung sasakyan nya sa akin mamaya. Kaya may car ako mamayang gabi." kunot noong napatingin ako kay josh habang naglalakad. May pagtatanong sa mata. "sabi ko na nga ba, nakalimutan mo no. Hoy! Pumayag ka na kanina. Kaya wala ng atrasan." nakalimutan ko nga, ayaw ko naman kasi talaga sumama napilitan lang ako. Dahil gusto kong asarin si Matteo. "hindi ko naman nakalimutan, oo sasama ako mamaya." pagsisinungaling ko. Magsasalita pa sana ako kaso hindi ko namalayan na nasa tapat na pala ako ng office ni Matt. "so pano barbie, kitakits mamaya ha. Wag mong kalimutan. And good luck pala." pahabol nitong sabi. Sabay lakad na papuntang desk nito Bago kumatok huminga muna ako ng malalim. Para kasing nanlalata ang mga binti ko. Ngayon ko lang napagtanto ang mga sinabi ko kanina. "ano ka ngayon! Kung kelan nasabi mo na tyaka ka maduduwag" bulong ng atribida nyang isip. Sinong duwag? Hindi kaya ako duwag at tyaka totoo naman yung mga sinabi ko kanina. Pag kukumbinsi nya sa sarili. Tatlong katok ang ginawa nya bago pinihit ang sirandurya ng pinto. Maingat at dahan dahan siyang naglakad papasok sa loob ng office. Hindi nya alam kung bakit parang takot siyang tumingin kay Matteo. "Dapat hindi ako natatakot. At wala namang nakakatakot dito." bulong niya. Umupo ako sa mesa ko sa tabi nito. Hindi ko pa din magawang kausapin ito. Nakita nyang busy ito sa mga binabasang papeles. Hindi nalang niya ito kinausap. Panigurado naman mamaya kakausapin din siya nito. Sabi ng kanyang isip. Ngunit lumipas na ang ilang oras at malapit na ang uwian hindi pa din siya nito iniimik. Para lang siyang isang hangin na nilalampasan nito kapag mapapatingin sa gawi nya. "okay! Kung ayaw niya akong kausapin bahala siya, masgusto ko nga yun walang mag-uutos at hindi ko pa maririnig ang nakakainis nitong boses." pagpapakalma nya sa sarili. Hindi nya naiwasan ang mapabuntong hininga. Naiinip na kasi siya. Hindi nya alam na napalakas pala ang ginawa niyang buntong hininga. Nang tignan nya ang kanyang katabi, nakatingin ito sa kanya. Kaya nagtama ang kanilang mga paningin. Ngunit bigla ding iniwas ni Matt ang kanyang mata at binaling ulit sa mga papeles sa harap nito. Naiinis ako, pero di ko alam kung bakit. "kung ayaw nyang magsalita, bala sya. Sana bumaho hininga niya." bulong niya habang umiirap. Pinanindigan talaga ni Matteo na wag magsalita hanggang oras ng uwian. Para akong tanga sa loob ng office. May kasama nga ako pero parang pipe naman. " hays! Salamat. Makakauwi na din." bulong ko. Tinignan ko si Matteo na busy pa din sa mga ginagawa nito. Parang hindi nito alam na gabi na at oras na para umuwi. Kahit badtrip nagpaalam ako dito, kahit papano naman boss ko pa din siya.inayos ko na ang mga gamit ko tyaka ako nagpaalam. " sir uwi na po ako." paalam ko dito. Tyaka lang ito nag-angat ng paningin mula sa mga papeles na nasa mesa nito. Tinignan lang siya nito, at walang salitang binalik ulit ang paningin sa ginagawa nito. "so ganun, haler nag papaalam po ako." sabi nya sa sarili. Nag-aantay siya ng sagot mula dito pero wala itong sinabi ni, ha! Or ho! Humakbang na siya patungo sa pinto. Hindi na nya inantay ang sagot nito. Siguro natuluyan na ito kaya di nakapag salita. Sa labas nadatnan ko si John na nag aayos ng gamit. Nang makita ako nito, nag-angat ito ng tingin. "ohh! Bakit parang nilamukos yang muka mo? Hulaan ko. Pinagalitan ka ni sir no? Oh di kaya tinanggal ka sa trabaho." hula nito sa nangyari sa pagitan namin ni Matt. "buti nga kung ganon ang nangyari. Kaso buong maghapong di nagsalita" inis kong sabi. "Uwi ka na ba? Tara sabay na tayo palabas." yaya ko dito ng makita kong tapos na ito mag-ayos ng gamit. At para maiba ang usapan. Hinila ko na ito para sabay kaming maglakad pababa ng building. Ipinulupot ko ang braso ko sa braso nito. Wala namang malisya yun dahil kaibigan ko naman ito and hindi kami talo. " ano ba barbie, bitiwan mo nga ako. baka may makakita sa atin. Baka iba isipin nila." sita nito sa akin. "ehh, ano! Edi isipin nila kung anong gusto nilang isipin."tugon ko dito. Naisipan kong asarin ulit ito. " o di naman kaya, na aatraction ka na sa akin." biro ko dito sabay hampas sa balikat nito. Nangiti ako sa naging sagot nito at sa reaction ng mukha nito. " eww Ka talaga! hindi tayo talo no. Siguro kung may hotdog ka pwede ka ng pag tyagaan. Kaso mani ang meron ka at allergic ako sa mani" diring diri nitong pahayag. " And anong pinagsasabi mong na naatraction ako sayo? Baka attracted ang gusto mong sabihin." pagtatama pa nito sa akin. "basta yun na yun, pareha namang may attrac." pagpapaliwanag ko. " alam mo buti nalang maganda ka, dahil kung hindi kanina pa kita kinutusan." natawa ako sa sinabi nito. Nasa labas na pala kami ng building ng di namin na mamalayan. Ang sarap kasi inisin ni John kaya trip ko laging inaasar ito. "so pano, mamaya 8pm. Wag mong kalimutan ha. Sunduin nalang kaya kita para sure na pupunta ka." paalala nito sa gagawin nila mamaya. "wag na! Text mo nalang ako kung saan yung club punta nalang ako." tanggi ko sa alok nito. Naghiwalay na kami ni John, magkaiba kasi ang daanan namin. Naglakad na ako papuntang sakayan ng jeep. 5 mins na lakad ang gagawin ko bago ako makarating sa sakayan ng jeep pa bagong bayan. Nasa kalagitnaan na ako ng paglalakad ng maramdaman kong parang may nakasunod sa akin. Tumigil ako para tignan kung may tao nga sa likod ko kaso wala naman akong makita. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Maliwanag naman dahil sa ilaw sa mga poste pero ilan ilan lang ang tao sa paligid. Siguro, tamang hinala lang siya kaya nagpatuloy na siya sa paglalakad. Kinakabahan siya kasi para talagang may nararamdaman siyang may nakatingin sa kanya. Kaya binilisan niya ang paglalakad. Malapit na siya sa sakayan ng jeep ng biglang may kamay na humawak sa kanyang balikat. Kinakabahan at pigil ang paghinga niyang nilingon ito. " hay, pinakaba mo naman ako. Bakit mo ba ako ginugulat!" napahawak siya sa dibdib ng makahinga siya ng maluwag. Si Brusko pala ang sumusunod sa kanya. " alam mo ba muntik na akong himatayin sa kaba. Bakit mo ba ko sinusundan!"tanong ko dito habang nakahawak pa din sa dibdib. " sorry po. Nautusan lang po ako ni sir Matt. Sabi nya po sundan ko po kayo at ihatid sa inyo." pagpapaliwanag nito. Bigla akong nainis ng marinig ko ang panganlan ni Matteo." kanina halos gawin nya akong hangin. Ngayon ipapahatid nya ako." bulong ng kanyang isip. " hindi na, malapit na naman ako sa sakayan, balik kana sa boss mo, pasabi nalang salamat." tanggi ko dito. Mamaya ipa salvage ako nung mokong na yun o di kaya may gawin siyang masama. Dahil sa galit sa akin nang dahil sa mga pinagsasasabi ko kanina. "pe-pero po maam Mira. Baka po mapagalitan ako ni sir o di kaya tanggalin ako sa trabaho pag di kita hinatid." pagpapaliwanag pa nito. "sabagay, totoo naman ang sinabi nito. Nakakaawa naman pag nawalan ng trabaho. Siguro naman makakauwi akong buhay pag nagpahatid ako." bulong ng kanyang isip. "sige na nga." bawi ko sa pagtanggi kanina. Tinuro ni Brusko ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Doon po tayo ma'am. Nauna na akong naglakad habang nasa likod ko si Brusko. Nakauwi ako ng bahay ng buo ang katawan. "salamat!" sabi ko kay Brusko ng makababa na ako ng sasakyan. "welcome ma'am" tugon nito. Nang makita kong umalis na ang sasakyan tyaka lang ako naglakad papasok ng bahay. Mukha agad ni Hyohan ang sumalubong sa akin. "nanay!" masigla nitong tawag sabay takbo palapit sa akin. Lumuhod ako para salubungin ang yakap ni Hyohan. Namiss ko ang anak ko. Kung pwede ko nga lang dalhin sa trabaho ito gagawin ko. Nang kumalas na ito sa pagkakayakap tyaka ko lang napansin ang bagong laruan na hawak nito. "hi, baby! Kumusta ka? Nagpasaway ka ba kay nangnang?" pangungumusta ko dito. Umupo kami sa kawayang upuan namin. "hindi po nanay. Good boy na po ako." sagot naman nito sa akin. "si nangnang nasan?" tukoy ko kay Kim. "lumabas po. May bibilhin lang po siya saglit." magalang naman nitong sagot. "nay, may laruan po ako ulit." sabi nito sabay taas sa hawak na robot na laruan. "nay, siguro po malapit na uwi si tatay. Kasi lapit na po birthday ko. Tapos po regalo nya po ito sa akin galing sa abroyd." tuwang tuwa nitong sabi. Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib dahil sa mga sinabi ni Hyohan. "ohh! Nandito kana pala." si Kim na kakapasok palang ng pinto. May bitbit na itong plastic na mukhang pagkain ang laman. Pumasok ito at dumiretso sa kusina para ilapag ang pagkaing binili. Tumakbo naman si Hyohan papasok ng kwarto. "Sino nagbigay kay Hyohan ng laruan?" tanong ko dito matapos kumuha ng tubig. "malay ko! Baka yung unknown daddy niya kuno." sagot nito habang sinasalin ang nabiling pagkain sa plato. Napaisip ako bigla. Sa loob ng tatlong buwan simula ng lumabas si Hyohan sa hospital. Halos linggo linggong may nagpapadala ng mga laruan dito. Hindi nya alam kung sino yun dahil tuwing nagpapadala ito, walang pangalang nakalagay. "ayy, siya nga pala. May gagawin ka ba Kim?" bigla kong tanong dito ng maalala ko ang gagawin ko mamaya. "wala naman maliban sa may pasok ako mamaya." sagot nito. Wala nga siyang choice iiwan nya nalang muna kina aling Vivi si Hyohan. Saglit lang naman siya siguro mga isang oras lang. "ahh, sige. Iwan ko nalang si Hyohan kina alin Vivi, yung katrabaho ko kasing si John niyaya ako mag club mamaya." pagpapaliwanag ko dito. "sorry ha! Alam mo naman. Di kasi ako pwedeng di pumasok. Mawawala kasi ang star of all star sa bar pag nawala ako." pagpapaliwanag naman nito. "hi po!" bati ko. Nasa bahay kasi kami ni aling Vivi ihahabilin ko muna si Hyohan dito. "ohh, Mira. Naparito ka." tanong naman nito sabay tingin sa kasama kong si Hyohan. "pwede po ba pabantay muna kay Hyohan? Wala po kasing magbabantay. May gagawin po kasi ako at may pasok naman po si Kim. Saglit lang naman po ako. Sunduin ko nalang po si Hyohan dito pag-uwi ko." pakiusap ko kay aling Vivi. "abay! Oo naman. Mabuti nga iyon at may makakasama si Botbot at Jena." magiliw nitong sabi. Pasalamat siya at nan dito si aling Vivi. Si aling Vivi kasi ay napakabait sa amin. Hindi tulad ng iba na mapang husga. Matapos kong magpaalam kay Hyohan naglakad na ako papuntang sakayan ng jeep. Tinext na nya si John para itanong kung saang bar siya pupunta. Nasa labas na siya ng Moonlight bar ang bar na tinext sa kanya ni John. Kinuha ko ang cellphone kong di keypad sa loob ng bag na dala ko. Nag text ako kay john. Me: saan ka? Dito na ako sa labas. Ilang segundo lang ay tumunog ang cellphone. John: sa loob na, pasok ka na. Nang mabasa niya ang reply ni John. Dahan-dahan siyang naglakad papasok ng bar. Naiilang kasi siya sa suot nya. Sobrang iksi at hapit na hapit sa katawan niya. Si Kim kasi ito ang pinasuot sa kanya. Baka daw kasi kung yung suot niya kanina ang suotin nya di siya papasukin. Maingay at puno ng tao ang bumungad sa kanya pagpasok nya ng bar. May mga nagsasayaw sa gitna ng intablado. Meron ding mga nag-iinuman at mukhang lasing na. "barbie!" Tawag mula sa likod nya ang nagpalingon sa kanya. Si John pala. Napaka gwapo niyo sa suot na polong blue black na slacks na hapit sa katawan nito. at rubber shoes na itim. Hindi mababakas dito na isa itong pusong barbie. "wow! You're so gorgeous. Mas lalo kang gumada." sabi nito ng makalapit ito. "tara na nga, pakilala kita sa mga friends ko." sabay hila sa akin papunta sa table ng mga kaibigan nito. Mukha namang mabait ang mga ito, at infairness ha! Walang pangit puro may panglaban. May dalawang babae tatlong lalake at dalawang binabae sa table namin. Halos kalahating oras na ako dito sa table puro tawanan at ingay mula sa tugtugin ang naririnig ko. Hindi naman ako na OP dahil madaldal ang mga ito Ngunit hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. Palagi akong nagtatanong nang oras kay John. Paalam ko kasi isang oras lang ako. "John, mga 9:30 uwi na ko ha! Sunduin ko pa kasi si Hyohan sa kapit bahay namin." paalam ko dito. "ano ka ba barbie, isang gabi lang naman to. Di ba pwedeng mag enjoy ka nalang muna." tugon nito. "teka! San tayo pupunta?" tanong ko dito dahil bigla ako nitong hinila. "san pa ba? We're going to have fun. Para mawala yang kaaligagahan mo sayaw tayo. Madaming papa ohh. At ang yummy nila." sabi nito habang nagsisimula ng sumayaw habang naglalakad. "are you all ready to party?" sigaw ng DJ Sigawan mula sa mga tao ang maririnig sa buong bar. "yeah, party party!" sigaw ng mga ito. Nagsimula ng tumugtog ang DJ Hips don't lie by Shakira ang tugtog. Ladies up in here tonight No fighting We got the refugees up in here (no fighting) No fighting Shakira, Shakira Parang mga nakawala sa lungga ang mga tao. Kahit si John todo kung gumiling. I never really knew that she could dance like this She make a man wants to speak Spanish ¿Cómo se llama? (Sí), bonita (sí) Mi casa, su casa (Shakira, Shakira) Oh, baby, when you talk like that You make a woman go mad So be wise (sí) and keep on (sí) Reading the signs of my body (uno, dos, tres, cuatro) "John?" tawag ko dito. Napalayo kasi ito sa akin dahil sa dumami ang tao sa dance floor. Ngunit hindi nya ito makita. Bigla nyang naramdaman na parang may malaking bulto ng katawan ang tumabi sa kanya. Gumigiling giling ito mula sa kanyang likuran. Gusto niyang umiwas dito pero di nya magawa dahil naitutulak siya ng mga sumasayaw. Kaya mas lalo siyang napadikit sa katawan nito. Nang harapin nya ito kita nya kung pano ito ngumisi. At kitang kita sa mukha nito ang kakaibang pagnanasa. "you alone?" tanong nito. Ngunit wala siyang balak sagutin ito dahil gusto na niyang umalis. Naiilang kasi siya sa pwesto niya ngayon. Ramdam nyang nadidikit sa katawan nito ang kanyang dibdib dahil sa sikip ng lugar. Patuloy pa din ito sa pagsayaw at pagkausap sa akin. Pero hindi nya ito pinapansin. Naghahanap siya ng butas para makaalis. Napapitlag siya ng bigla siya nitong hawakan sa bewang. "ano ba! Bitawan mo ko." sigaw niya dito dahil natatakot na siya. "where only gonna dance baby. Hindi naman kita kakainin. But if you want, pwede n-" ngunit hindi na nito natapos ang sasabihin dahil bigla itong bumulagta sa lapag ng dance floor. Duguan at putok ang labi nito ng tignan ko. "what the f**k*" sigaw nito sabay dura. Tumayo ito at sinugod ang lalaking sumapak dito. Kinuwelyuhan nito ang lalaki. Hindi ko naman makita ang muka ng lalaki dahil nakatalikod ito. Nagpulasan ang mga sumasayaw at tumigil anv tugtugan. Dahil sa tensyong namumuo sa pagitan nito at ng lalaking sumapak dito. "who the f**k* are you." tanong nito habang hawak ang kwelyo ng sumapak sa kanya. Ngunit parang hindi natatakot ang lalaki. Kalmante lang itong nakatayo. "im nobody, but that girl is mine! And only mine! " madiin nitong sabi. Sino ba tinutukoy niya? Ako ba? Sino ba to? Kilala nya ba ako? Tanong nya sa sarili. "try to touch her again. I will sure that there is no future for you. Because i will kill you! " madiin nakakatakot at malamig nitong banta. Bakas sa mukha ng lalaki. Ang takot dahil sa banta ng lalaking sumapak sa kanya. Kaya ng itulak ito ng lalaki, bumagsak agad ito sa lapag. Gulat na gulat siya ng humarap sa kanya ang lalaking sumapak sa lalaking humawak sa bewang niya. Madilim ang mata nito na para bang handang pumatay ano mang oras, at salubong din ang dalawa nitong makakapal na kilay. Mabibigat na hakbang ang ginawa nito para makalapit sa kanya. Tulala pa din siya sa mukha nito hanggang sa hilahin siya nito sa pulso. Nasasaktan siya sa paraan ng paghila nito, ngunit di nya magawang pumalag. Nag patianod siya hanggang makalabas ng bar. Itim na sasakyan nito ang bumungad sa amin. Binuksan nito ang pinto ng sasakyan at pwersahan siyang pinasok sa loob. Umikot ito papunta sa driver's seat. Anong ginagawa niya dito? Anong ginagawa ni Matteo dito sa bar?.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD