Mira's POV Ang sakit na ng kamay ko. Nararamdaman ko ang pagbaon ng lubid sa palibot ng pulso ko. Natatakot man ako hindi ko pinapahalata dahil alam kong mas lalo lang akong matatakot kung iisipin ko ang pwedeng mangyari sa akin. Kusa akong sumama sa kanila. Dahil hindi na ako makapag-isip ng maayos. Kailangan ako ng anak ko. Kilangan ako ni Hyohan. "Na-nasan ako? Na-nasaan na ang anak ko!" Sigaw ko sa dalawang lalaking nagdala sa akin dito. pero wala akong narinig na sagot mula sa mga ito. "Da-dalhin niyo ko sa anak ko! Ma-maawa na kayo!" Hindi ko na napigilan ang umiyak. Natatakot ako, hindi lang para sa sarili ko pati na rin para kay Hyohan. "Sa-sabihin niyo nasaan na ang anak ko! Ano pa bang gusto niyo sumama na ako sa inyo! Nandito na ako, ipakita niyo sa akin ang anak ko!"

