Mira's POV "Uhm!" Mapaungol ako ng sumigid ang kirot mula sa ulo ko. Napabangon ako habang sapo-sapo ang ulo. Ano bang nangyari? Tanong ko sa sarili ko. Nanlalabo man ang paningin ko pinilit kong ilibot at aninagin ang kabuoan ng lugar na kinaroroonan ko. Parang pamilyar sa akin ang lugar nato. Pilit kong inaalala ang mga nangyari kanina. Ang huli ko lang naalala ay. May mga lalaking bumaba sa van. Lumapit ang mga ito. Pinasok nila ako sa van. Nagwawala ako at nanlalaban. May panyo. Tama may nilabas ang isa sa kanila na isang panyo itinakip nila Ito sa ilong ko. Pagkatapos nun nanlabo na ang paningin ko. Di kaya? Natutop ko ang bibig ko dahil sa sumagi sa isip ko na pwedeng nangyari. Agad akong tumayo ngunit bigla din akong napabalik sa higaan ng makaramdam ng hilo. Napangiwi

