"Ate, ako na po magbabantay kay Hyohan" napatingin ako kay Camille. Bakas ang pag-aalala sa mukha nito Ngumiti ako dito. Pero ngiting napipilitan lang. Nahalata siguro nito na kanina pa ako wala sa sarili. Nandito kami ngayon sa uptown mall. Tinuloy ko ang balak na pamamasyal kahit parang ang sama ng pakiramdam ko. "Ate, ayos ka lang ba talaga?" "Ayos lang ako." Malumanay kong tugon. Mabuti nalang at hindi na ito nagtanong ulit. Dahil hindi ko na alam kung kaya ko pang sumagot. "Camille, okey lang ba pabantay muna si Hyohan? Mag ccr lang ako." Agad naman itong pumayag. Naglakad na ako papuntang cr. Parang kailangan kong maghilamos upang mahimasmasan. Nang makarating ako sa cr agad akong naghilamos. Tumingin ako sa sarili kong reflection sa salamin. "Kaya mo to Mira. Wala lang siya s

