CHAPTER 4

1122 Words

HINDI NAGKATOTOO ANG pangako ni Dominique na hindi magtatagal sa Stallion Riding Club. Hindi kasi siya makuntento sa mga iilang pagkakataon na nao-obserbahan niya ang kanyang future husband. Hindi rin naman kasi siya makalapit dito dahil ayaw niyang ma-distract ito sa ‘natural habitat’ nito kung saan mas nakikita niya ang totoong reaksyon nito sa mga bagay-bagay. Nagkaroon din naman ng magandang pakinabang sa pagpapabalik-balik niya roon dahil nakakilala siya ng ibang mga kababaihan na nakasundo niya ang mga ugali. Na ang ilan sa mga ito ay may direktang kinalaman sa karamihan sa mga Stallion boys, kaya sa mga ito siya kumukuha ng ilang impormasyon tungkol kay Zell. Ang mga ito rin ang unang nakaaalam ng totoong kaugnayan niya sa binata.  Hindi naman nagdamot ang mga ito na tulungan siya,

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD