Chapter 2

987 Words
Chapter II Kung sakaling siya kaya ang makasiping kong muli? Sasabihin niya kayang ang galing ko? Mapapamura din kaya siya sa sarap? Kasi noong kinuha niya ang virginity ko halos umiyak siya sa sobrang pagsisisi. Nakaisang pasok palang siya ng makitang dumugo ito ay napatigil na siya. Handang handa na ako sa mga oras na iyon para i-alay sa kanya ang buong mundo ko. Mahal na mahal ko siya kaya kahit nasa murang edad palang ako ay inihanda ko na ang sarili ko para maging pag-aari niya. Ewan ko pero nung tinanong ko siya kung bakit siya tumigil ay hindi niya na ako sinagot. Dali dali siyang nagbihis at umalis na sa kwarto ko. Inaasikaso sana namin noon ang papeles niya para sa isang scholarship, we’re about to share our dreams-for him to reach his goals and to build a better future but unfortunately it was all shattered. Nauwi ito sa tukso. Nadala kaming pareho. Nasarapan sa bawat himas namin sa isa't isa. Huli na ng malaman kong lumayo na siya at nakitira sa lola niya sa Pangasinan. Iniwan niya ako sa Quezon Province dala ang sakit at frustration mula sa aming sawing pag-iibigan. 7 Stepladder for Making Xeno Fierro Cry 1. Make him feel important. Make him want you. Hayaan mong maging open siya ulit sa’yo. 2. Let him remember the good memories you've shared. Lahat ng nangyari noon at kung paano kayo nagkakilala. At the same time gisingin mo ang konsensya niya. 3. Sing a song for him. Bind a string on his heart. Make him fall for you. 4. Make him ask you for a date. Go for his kiss. Go for his touch. 5. Let him remember the sin he committed to you. 6. Do everything to make him cry. Kill his hope and his dreams. 7. Make him fall for you more and break his heart. I close my notebook. Napatagal na din pala ang pagtitig ko sa plano ko. I manage to stand up kahit dinig ko ang bulong-bulungan ng mga estudyante sa paligid ko, maging ang mga tawanan nila at pang iinsulto nila sakin. Talagang sinabayan pa nang mga bibig nilang hindi tumutigil ang maulang panahon. Hawak ko ang payong ko habang naglalakad dito sa ground ng unibersidad na pinapasukan ko. Nagmamadaling ako makarating ng CAS building kaya naman nagbibingi-bingihan nalang ako sa mga naririnig ko. Wala akong imik kahit tinatawag nila akong puta, pokpok, malandi, haliparot o bayaran. Sa sout kong sleeveless and white skirt na konting hangin lang ay may makikita ka ng paraiso, pakiramdam ko I’m a sassy girl. Dali dali akong nagtungo sa elevator. Kelangan kong makarating ng 4th floor bago mag 9:00 am. Sakto namang pagpasok ko ng room namin ay nandoon na ang mga classmate ko at ang professor namin. Sabay sabay silang napalingon. Nahuli ako ng aming professor. Nahuli ko rin siya. Nagitlang ako sa kinatatayuan ko when he stared at me. That bored look. Those dark eyes. His uncombed hair. Si Xeno. Si Xeno na naging buhay ko. Si Xeno na nagdala ng kamatayan ko. Umupo nalang ako sa harapang upuan, nagsabi ako ng good morning pero hindi niya ako pinansin dahil nagpatuloy ito sa pagsusulat. Naupo lang ako at kinuha ang ballpeng nakaipit sa dibdib ko. Dahan dahan kong binuksan ang dalawang buttones ng blouse ko. Napangiti naman ako ng makita kong umusli na ang gilid ng brang sout ko at medyo nakita na ang porma ng malulusog kong hinaharap. Let's see kung makakaya niya 'to. "Sorry prof. I'm late." Paguulit ko nung humarap na siya. Ngumiti lang siya sakin na parang okay lang ang lahat saka inilapag ang libro niya sa mesa. Alam mo yung pakiramdam kong parang hindi niya ako kilala? Nakalimutan niya na ba talaga ako? O baka nagbubulag-bulagan lang siya? I inhaled. Napadiin tuloy ako ballpen na hawak ko saka ko sinadyang ihulog. "f**k!" Mura ko na kunwari ay nagulat sa pagkahulog. Sa loob ko, ibang gigil ang naramdaman ko nung napunta ito sa ilalim ng mesa niya. Napaluhod naman ako para pulutin ang ballpen at ganun din siya. Mukhang tutulungan talaga ako nitong mokong sa pagpulot. My face revealed a grin. Para akong tigreng gustong gusto siyang lapain lalo na't nasa malapit siya. Hawak ko na ang ballpen ng makita ko ang pagmumukha niya ng malapitan. He’s more matured now, naging halata ang anim na taong tanda niya sakin. Face to face kaming dalawa. Nakita kong bahagyang namula ang mga pisngi niya dahil nakita kong hindi siya sa ballpen nakatingin kundi sa bukas na bahagi ng blouse ko. Wari'y nagkaroon ng konklusyon ang utak ko, parang sinasabi nitong the fly is moving closer to the trap. Magiging akin ka din Xeno. Sabi ko sa aking sarili. "Si maharot si Sir naman ang punterya!" Psh. May epal. Agad ko nalang kinuha ang ballpen ko ng marinig ko iyon mula sa likuran. Ganun din si Xeno na nagmadaling umupo sa pwesto niya at parang pinagwalang bahala lang nangyari. "Kung ako sa inyo, wag niyong dibdibin yun. Palag? Eh ‘di ihulog niyo din ang mga ballpen niyo. Palibhasa tuyong tuyo kayo." tinaasan ko sila ng kilay sabay talikod. Sakto namang pagharap ko nakaharap din si Xeno sakin. Napalunok ako ng makitang sobrang seryoso ng titig niya sakin. Para niya akong kakainin ng buhay sa sama ng titig niya. As if the whole world will bury me after this. Parang may tali sa dibdib kong unti unting sumisikip. Nahihirapan akong maghinga. Nahihirapan na rin akong mag-isip. Kasi naman. Nakakabobo tumitig ang lalaki ito! “Grip harder to prevent it from falling.” seryoso niyang sabi. Nakaramdam ako ng inis. Grip harder ba kamo? So dapat ba hinawakan ko din ng mahigpit ang puso ko noon, para naiwasan ko ding maghulog sa kanya. Sana naiwasan kong masaktan mula sa pagpapakitang tao niya. Sana hindi ako nahulog, sana kumapit ako para naiwasan kong masaktan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD