Nakatingin siya sa akin at seryoso ang kanyang mukha. Bahagya akong lumayo. Hindi niya ako pinigilan sa pag layo ko. Lumingon siya sakin at ngumiti nalang ako ng tipid. Nakakapaghuramentado ng puso ang presensya niya. Nakakakuryente ng puso ang pagtingin na iyon ni Xeno. Pero isa lang ang masasabi ko, hindi na pag ibig ang kuryenteng iyon. Hindi na ito yung tipo ng ngiti na nakakapagpaweak ng puso ko, hindi na tinatablan ng labi niya ang buong pagkatao ko. Hindi na tulad dati na magkatama lang ang mga balat namin ay parang sinusunog na ako ng buhay. Simpleng kabog ng dibdib nalang at kiliti sa puso. “Why did you stop?” Malamig niyang tanong. Nag iwas ako ng tingin at pinaglaruan ang mga daliri ko. Hindi ako makatingin sa kanya. “Bakit?” muli niyang tanong sabay hawak sa baba ko, inangat n

