"Ganito nalang sa tuwing uuwi ka galing sa iyong paglalakbay dalhan mo nalang ako ng kahit anong bagay na pwede kong magamit dito, ok na ba iyon?" Sabi naman ni Aisha. Pinag-isipan ni Red ang sinabi ni Aisha at walang problema dito. Patas lang ito. "Sige asahan mo, ngapala may pwede kabang maisuot diyan na armor?" Tanong ni Red. Tumango dito si Aisha at itinuro ang napakaraming mga armor type na naka display sa loob ng shop. Tumingin naman si Red sa mga ito at lumapit dito. Tanghali nang nagising si Red kaya dali-dali siyang gumawa ng kanyang agahan. Once na matapos ay agad niya itong kinain, natatandaan pa ni Red ang nangyari kagabi. Kung paano niya nakilala si Ericka at ang ate nitong si Aisha na parehong mga NPC. Alam niyang mga NPC lang ang mga ito, pero kapag ikaw mismo a

