Chapter 11: Superiority

1683 Words
"f**k!" Ito lamang ang nasabi ni Sol at ng Blind Blade Saint dahil hindi nila lubos maisip na sa kanilang pwesto pupunta ang demonic blade. In the first place kaya sila umalis sa Blade Destiny Mountain ay dahil sa pag descent ng demonic blade. It's already a disaster for them pero ngayon ang linayuan nilang ito ay siya namang lumalapit sa kanila. Ang malala pa nito ay kasama nito ang blade ruler ng Dimension of Blades ang Ragnarok! "Farya!" Sigaw ni Sol at lumitaw sa kanyang harapan ang isang napakagandang cloud fairy. Right after that mabilis na lumitaw ang napakagandang ngiti sa labi ni Farya dahil muli na itong nakalabas. Gayunpaman sa oras din na iyon ay agad nitong naramdaman ang isang malakas ng panganib! Napalingon si Farya sa likuran ni Sol at ng Blind Blade Saint dito nakita niya ang demonic blade na naglalabas ng sobrang lakas na evil aura at ang Ragnarok na naglalabas naman ng sobrang lakas na mighty aura. "Cover us!" Sigaw ni Sol habang hindi na nagsalita si Farya at mabilis na nagliwanag ang hawak nitong maliit na stick. "Illusion Transportation." Agad na sabi ni Farya at sa oras na mabalot si Sol at ang Blind Blade Saint ng liwanag na ito ay tila nag stop ang time. Gayunpaman sila lamang ang naka- experience nito dahil ang demonic blade at ang Ragnarok ay patungo padin sa kanilang pwesto. Pero sa oras din na iyon agad na naglaho sila sa kanilang pwesto at napadpad sa isang bagong pwesto. Habang napansin naman ni Sol ang paglitaw ng dalawang halos kaparehas niyang nilalang. Ang doppelganger na ito nila Sol at Blind Blade Saint ang hinahabol ngayon ng demonic blade. Dito napabuntong hininga agad si Sol habang ganon na din ang Blind Blade Saint kahit na hindi halata sa mukha nito. "Maraming salamat Farya." Sabi ni Sol habang lumiit lamang ang mga mata ni Farya at agad na naglabas si Sol ng isang well packaged cotton candy sa kanyang spatial ring at ibinigay ito kay Farya na currently ay parang isang bata. Actually ito ang paraan na ginawa ni Sol para makuha niya ang loob ng rebelding Cloud Fairy na ito. Using the cotton candy ay agad niya itong nauto na parang batang walang kaalam-alam. Well it's worth it! Sa oras na iyon pinanood ni Sol at ng Blind Blade Saint ang paghabol ng demonic blade sa doppelganger nila habang hinahabol din ito ng Ragnarok. "Lobo" Sabi ni Sol at agad na lumitaw si Lobo sa kanyang harapan. "Create a isolated dimension crack." Utos ni Sol na agad naman ni Lobong ginawa. Ilang segundo pa pumasok si Sol at Blind Blade Saint sa loob ng dimension c***k na ginawa ni Lobo. In this way mas segurado silang hindi sila magagawang mahanap ng dalawang napakalakas na magical blades. Well this is what they're expecting pero pagkalipas lamang ng limang minuto ng biglang naglaho ang doppelgangers. Dito agad na napahinto ang demonic blade at ganon na din ang Ragnarok. Ilang saglit pa isang malakas na aura ang mabilis na kumalat sa buong lugar at sa isang iglap ang aura na ito ay tumama sa ginawang dimensions c***k ni Lobo. Right after that biglang naglaho ang demonic blade at sa gulat ni Sol at ng Blind Blade Saint ay bigla itong lumitaw sa kanilang harapan! "The f!" Sigaw ni Sol at nagmadaling lumipad ang dalawa gayunpaman sa mga oras na iyon lumitaw din ang Ragnarok sa direksyon na pupuntahan nila Sol. Dahil dito mabilis na napahinto si Sol at ang Blind Blade Saint. Agad namang lumitaw ang blade ng Blind Blade Saint at ready na ito makipaglaban, even though wala na ito sa kanyang pick form. Ginawa din ni Sol ang ginawa ng Blind Blade Saint at lumitaw sa kaliwat kanan niyang kamay ang golden and silver lance. Kasunod din nito ay ang paglitaw ng kanyang celestial white wings at ang white dragon lightning na bumalot sa buo niyang katawan. Inilabas din ni Sol ng mga oras na iyon ang kanyang Supreme One aura dahil alam niyang magiging mahirap once na umatake ang kahit na sino sa dalawang magical blades na ito. "Devils blood." Sabi ng isang matinis na boses habang napatingin si Sol sa pinagmumulan nito which is the demonic blade. 'Master tinutukoy seguro nito ay ang dugo ni King Solomon.' Sabi ni Great Mind ng mga oras na iyon habang bigla namang naalala ni Sol na meron ngang devils blood si King Solomon dahil ito ang gumawa sa Devil Race. "Devils blood." Muling sabi ng demonic blade habang agad itong naglaho at sobrang bilis na lumitaw sa leeg ni Sol. Gayunpaman sa mga oras din na iyon ay bigla ding naglaho ang Ragnarok at isang malakas na clashing sound ang maririnig sa buong lugar. Dito nakita ni Sol kung paano nagawang masalag ng Ragnarok ang fatal attack ng demonic blade. "You will not get him." Sabi naman ng isang dignified na boses which is mula sa Ragnarok. "Devils blood!" Sigaw ng demonic blade at isang malakas na evil aura ang agad na bumalot dito at bigla itong nagliwanag. Habang nangyayari ito lumiwanag din ang Ragnarok ng golden with white color at isang malakas na enerhiya ang agad na nag clash sa pagitan ng dalawa. Ginawa naman ni Sol ay kanyang tinawag si Yin Yang para protektahan sila sa sobrang lakas na enerhiya na pinapakawalan ng dalawa. Dahil dito naging ligtas sila sa mga oras na iyon. Gayunpaman sa lakas ng pwersa na pinapakawalan ng dalawa ay tumilapon padin sila Sol sa malayo. Habang isang red light ang biglang lumitaw at sobrang bilis na hinabol sila Sol. Napansin naman ito agad ni Sol kaya pinakawalan niya ang white dragon lightning sa buo niyang katawan. Ngunit hindi niya inaasahan ang sobrang talim ng demonic sword at sa isang iglap nagawa nitong mawasak ang barrier ni Ying Yang at ang natural barrier ng white dragon lightning. Dito isang malaking hiwa sa kamay ang agad na nakita ni Sol at halos maging fountain ang dugong umaagos dito. "Shit." Ito lamang ang nasabi ni Sol habang ang kanyang dugo ay mabilis na inaabsorba ng demonic blade. Sa oras na iyon agad na nakaramdam si Sol ng matinding panganib dahil ramdam niya ang panghihina ng kanyang katawan. Hindi lamang ang dugo niya ang habol ng demonic blade dahil maging ang kanyang enerhiya ay nagagawa din nitong makuha. Gayunpaman habang nangyayari ang bagay na ito bigla namang nakaramdam si Sol ng isang kakaibang enerhiya sa kanyang katawan. Sa oras na iyon mula sa kanyang left eye agad na nagbago ang kulay nito at naging isang devil like eyes. Dito naramdaman ni Sol na tila merong nilalang sa kanyang katawan. Right after that biglang naglaho ang lahat ng mga kapangyarihan ni Sol kasama na dito ang Summoning Magic at ang White Dragon Lightning. Maging ang celestial wings ay nag retract din sa kanyang likod! *Thud thud!* Rinig ni Sol ang pagbilis ng t***k ng kanyang puso habang kapansin-pansin ang paglitaw ng itim na aura mula sa kanyang devil like eye na mabilis na kumalat sa buo niyang katawan! Sa pagkakataon na iyon agad na lumayo ang Blind Blade Saint habang hindi din lumapit ang Ragnarok at nakatitig lamang ito sa nangayari. Ilang segundo pa isang diamond like mark na kulay itim ang lumitaw sa gitna ng eyebrows ni Sol at mula dito nabuo ang napaka- minimalist na tattoo sa buo niyang katawan! Once na lumitaw ito agad na nawasak ang suot na damit ni Sol na pang itaas at lumitaw din sa kanyang likuran ang parang flame like black wings! "Devil Possession!" Sabi ng Blind Blade Saint once na makita niya ang transformation na nangyari kay Sol. Sa oras din na iyon biglang tinapat ni Sol na ngayon ay na possess ng isang malakas na inner devil ang kanyang kanang kamay sa demonic blade. Excited namang lumitaw ang demonic blade sa kamay ni Sol at dito isang koneksyon ang agad na nangyari! Dahil sa koneksyon na ito, isa na ngayong tunay na blade weapon ni Sol ang demonic blade! "This is bad." Sabi ng Blind Blade Saint habang nakatingin kay Sol. Hindi niya lubos na maisip na merong dugo si Sol ng isang evil entity. Mas lalong hindi niya expected na ang dugo na ito ay merong nakatagong malakas na inner devil! "Wala na akong magagawa kung hindi ang patayin kayong dalawa." Sabi ng isang majestic na boses na nagmumula sa Ragnarok. Habang mabilis na nabalot sa liwanag ang Ragnarok at ready na itong pakawalan ang kanyang ultimate attack para lamang mawasak at mapatay si Sol. Hindi naman alam ng Blind Blade Saint ang kanyang gagawin dahil wala siyang magagawa sa current situation. Seguro kung nabubuhay pa siya ay magagawa siya ngunit isa nalamang siyang ghost sa mga oras na iyon! "Begone!" Sigaw ng Ragnarok habang wala namang nagawa ang Blind Blade Saint at tingnan lamang ang kanyang blade buddy. Dito mabilis na nagliwanag ang blade nito at naunawaan naman ng Blind Blade Saint ang gusto nitong mangyari. Sa oras na iyon agad na nag decide ang Blind Blade Saint at tiningnan ang paparating na atake ng Ragnarok. "I already lived a long life. Sol can finish what I'm wanted to do as long na buhay siya." Sabi ng Blind Blade Saint at dito isang bandana ang lumitaw sa kanyang mga mata. Habang dalawang eye like marker ang lumitaw sa bandana at doon agad na bumalik ang paningin ng Blind Blade Saint. "It's a beautiful world." Sabi ng Blind Blade Saint at once na sabihin niya iyon isang milyong blade cut ang agad na lumitaw sa kanyang likuran at buong lakas na sinalag ang atake ng Ragnarok! "BLIND MILLION CUTS!" Malakas na sigaw ng Blind Blade Saint habang may ngiti sa kanyang labi. "This is I think my last mission on this world." Sabi nito at agad siyang naglaho sa lugar habang ang million cuts na atake nito ay nagawang mapahinto ang atake ng Ragnarok. "What a waste." Sabi ng Ragnarok habang nakatingin sa kaninang pwesto ng Blind Blade Saint kasama na ang blade nito na tinaya din ang kanyang sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD