KEITH My heart teared apart into tiny pieces like a broken glass while watching her running away from me. Hindi ko gusto pero kailangan. Ayoko pero wala akong mapagpipilian. I know she will hate me forever but all matters to me now. . . her safety. "Arrrgh--!" napaigik ako sa sakit sa balang biglang tumama sa balikat ko. Pabagsak akong bumulagta sa sahig. Nabitawan ko din ang hawak kong baril. Pagtingin ko sa tunnel wala na sina Cristal. Umalpas ang luha sa aking mga mata na kanina ko pa pinipigilan. Dalawang armadong lalaki ang lumapit sa akin at tinutukan ako ng baril ang nagpabalik sa aking huwisyo. "Ikinagagalak kitang makilala ng personal, Keith Kyle Altamonte. Hindi ko akalain na napasok ng grupo mo ang kuta ni Rex." "Matinik ka binata pero mas tuso sayo si Lewis. Nauto ang mga

