Nabalot ng nakakatakot na wlaang hanggang kadaliman ang batang si Li Xiaolong kung saan ay nakita niya lamang ang kaniyang sariling nasa walang kabuhay-buhay na lugar. Wala siyang makita at walang liwanag na mahagilap ang kaniyang sariling mga mata. "Nasaan kaya ako?! Bakit ang dilim?!" Tanong ng batang si Li Xiaolong sa kaniyang isipan lamang. Tila ba hindi niya pa rin alam kung nasaan siya. "Bakit ang dilim, malamang walang liwanag." Sambit ng masa utak ng batang si Li Xiaolong. "Aist, mukha akong tanga dito. Kausapin ko ba sarili ko." Sambit ng batang si Li Xiaolong at di nito maiwasang mapatampal sa kaniyang noo. "Aray ko po!" Daing ng batang si Li Xiaolong. Akala niya ay hindi gaanong kasakit ang kaniyang nararamdaman. "Buhay pa pala ako. Ano bang klaseng lugar ito. Nakatagpo l

