Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Li Xiaolong at mabilis niyang itinapat ang kaniyang kanang kamay sa boulder at doon niya ipinadaloy ang kaniyang enerhiya. Nakapikit siya sa kadahilanang hindi niya gustong makita ang kaniyang resulta. Biglang nagkaroon nanginig ang boulder tanda na lalabas na maya-maya ang resulta. Agad naman itong pinanood ng karamihan at maya-maya pa ay nakita ng lahat ang naging resulta ng Martial Talent Trial nito. "Li Xiaolong: Superior Second Grade Martial Talent!" Sambit ni Li Jianxin habang nakangiti. Kumpara sa iba ay masyado na itong disente dahil maaari na itong maikumpara sa Inferior Third Grade Martial Talent. Pwede pa rin siyang maging malakas na cultivator kung magagabayan lamang ng tama si Li Xiaolong. Halos hindi mapatid ang luha sa mata ni Li Qide hab

