Isang araw ang nakalipas at balik normal na muli ang araw na ito para sa lahat. Hanggang ngayon ay nalulungkot pa rin si Li Xiaolong ngunit mas malungkot ang kaniyang mga magulang na sina Li Qide at Li Wenren. Kasalukuyang nasa bahay ang kaniyang mga magulang at tanghaling tapat na rin kasi ngayon. Halatang nagkaroon ng mga hindi inaasahang pagbabago dahil sa nakaraang araw. Magkaharap ang mag-asawa sa isa't-isa habang animo'y tahimik lamang na nagmamatyag sa isa't-isa. "Ano ba Li Qide, para kang ewan diyan..." Basag naman ni Li Wenren sa katahimikang namuo sa kanilang pamamahay. Kunwaring napaubo naman si Li Qide sa naging turan ng kaniyang asawa. "Hala eh, nananahimik ako dito oh... Ano ba ginawa ko?!" Sambit naman ni Li Qide habang animo'y parang wala naman itong naisip na ka

