Ilang oras din ang nagtagal bago nila marating ang mismong teritoryo ng Wind Fury Kingdom. Napakataas at napakatibay na tarangkahan ang bumungad sa mata nina Li Jianxin lalo na ng batang si Li Xiaolong. Habang ang lalaking si Night Spider ay tila ba parang wala lamang ito sa kaniya pero para kay Li Jianxin lalong-lalo na sa batang si Li Xiaolong ay tila ba nakakamangha ang bagay na nakikita niya. Masasabi niyang maganda ang mga nadaanan niyang mga tanawin at mga magagandang lugar na pwedeng pasyalan ngunit ang tarangkarahan ito ay tila ba nakaramdam siya ng kakaibang pakiramdam. Sa murang edad ng batang si Li Xiaolong ay hindi lingid sa kaalaman niya ang mga bagay-bagay na ito lalo na sa mga pambihirang tarangkahan ng bawat kaharian ngunit talagang mas maganda at nakakamangha pa rin ku

