Naririnig ng batang babaeng si Huang Mei ang sinasabi ng mga halos kaedaran niya lamang. "Mga pesteng kutong-lupang ito. Ano'ng akala nila. Eww! Ako magiging kaniya raw at ang mga grupo ng babaeng na yan ay mga walang kwenta. Ano'ng akala nila di ko sila naririnig? Pwes, ipapakita ko sa inyo kung ano ang pinagkaiba ng langit at lupa!" Sambit ng batang babaeng si Huang Mei. Nagpipigil lamang siyang balikan ang mga peste at mga dukhang nakapila na parang kadiring uod. Kung hindi dahil sa kaniyang ama na si Tribe Chief Huang Chen ay hindi siya papasok sa eskwelahang ito kahit sa panaginip man lang. Sa talentong meron siya ay kayang-kaya niyang pataubin ang sinumang nasa kaedaran niya. "Princess H-------!" Sigaw ng mga alalay niya sa kaniya nang bigla siyang tumalon ng napakataas ngunit wal

