Samantala... Ang nasabing event patungkol sa Re-examination ng Martial Talent ay nagpatuloy lamang kung saan ay halos kakaunti na lamang ang natitira kumpara kaninang halos sa pinakadulo ang batang si Li Xiaolong. Tunay ngang nakakamangha ang nasabing pagsasagawa ng Re-examination na ito kung saan ay walang pasubaling nagkaroon ng magandang resulta ang nasabing Re-examination. Maya-maya pa biglang nag-anunsiyo ang nasabing host ng event na ito ng pangalan isa-isa ngunit gamit ang papel na hawak nito. Malamang ay mula ito sa registration form ng mga nasabing batang estudyanteng kumuha ng corresponding numbers. Himala naman kung magkakamali pa ang nasabing host sa pagsasalita. "Gāo Hui!" Agad na lumitaw ang isang batang lalaki na nakarobang kulay pula. Bakas sa mukha at pananamit nito na

