"Peak Condensation Stage lamang pala eh. Hindi naman ako mapipinsala ng mga ito ngunit ang mga malalaking sisidlan ko ng mga Blood Gem Crystals ay massasabing hindi ganoon katibay ay masira lamang ang mga ito." Sambit ng batang si Li Xiaolong habang makikita ang labis na pagkatakot na mawasak ang mga sisidlan ng mga Blood Gem Crystals. Napangiwi namang humarap ang nagsasalitang quoll na si Fai sa batang si Li Xiaolong at mabilis na nagwika. "Ang lakas mo ding maka-sabi niyan batang Xiaolong. Nasa seryoso tayong sitwasyon batang Xiaolong pero talagang ganon lamang ang naiisip mo, sisidlan?!" Tila hindi makapaniwalang sambit ng nagsasalitang quoll na si Fai nang marinig nito ang sinabi ng batang si Li Xiaolong. Hindi siya makapaniwala kasi sa sinabi nito. Masyadong unreasonable namang dahi

