Natigil ang pag-uusap ng batang si Li Xiaolong at ng nagsasalitang Quoll na si Fai kung saan ay biglang.... TRROOOOOOOOO!!!!!!! Tumunog ng malakas ang Bell ng Li Clan kung saan ay naalarma ang batang si Li Xiaolong. "Hmmm... Tumunog ang Li Clan Bell, masama ito!" Sambit ng batang si Li Xiaolong kung saan ay balot na balot ng pangamba ang kaniyang mukha. "Umalis na muna tayo bata at pumunta tayo doon. Malamang ay mayroong nangyari na hindi natin alam." Sambit ng nagsasalitang Quoll na si Fai. Tila maging siya ay nangangamba rin. Hindi niya aakalaing napakaraming nangyari sa mga nagdaang mga araw na ito. Halata niyang ang mas nahihirapan ngayon ay ang batang si Li Xiaolong. Tumango na lamang ang batang si Li Xiaolong at mabilis na naglakad pabalik sa mismong lugar nila papunta sa Li Cl

