"Bata, napakadilim at nakakatakot naman dito. Sigurado kang safe dito?!" Sambit ng nangangambang si Fai habang makikitang hindi siya sang-ayon sa pagpunta rito. "Oo naman, ano ka ba naman Fai, wag mong sabihing takot ka dilim at sa mga kagaya mong mga halimaw hahaha!!!" Natatawang sambit ng batang si Li Xiaolong. Hindi niya aakalaing may pagka-duwag pala itong nagsasalitang Quoll na ito. "Hindi ako takot sa dilim noh. Mukha ba kong takot ha?!" Sambit ng nagsasalitang Quoll na si Fai. Medyo nainis siya sa binata at medyo kumalma siya ng konti. "Sige tawanan mo ko bata, kapag may nangangaing nilalang dito ay ikaw naman ang unang sasagpangin nito. Ako?! Baka di ako nito babalaking kainin sa liit kong to." Sambit ng nagsasalitang Quoll na si Fai sa kaniyang isipan lamang habang natatawa it

