"π’π¨π₯ π’ππ¦ππ¦π¦ππ’π‘"
π£ππ₯π§ 2 π¨π«π΄π°πΉπ¬πΉ πΆπΉ πΊπ»π¨π³π²π¬πΉ?
ππππ¦ππ'π¦ π£π’π©
Busy ako sa pagbabasa at hindi iniintindi ang nasa paligid. Hindi na bago saakin ang may-lumalapit na mga lalaki para lang hingiin ang number ko kagaya na lang ngayon.
"I'm sorry to bother you, ms. Pwede bang mahingi yung number?" Saad ng nasa harapan ko.
Bored kung sinara ang libro at tumingin sa kanya "kung yan ang kailangan mo hindi ko ibibigay, kaya umalis kana." Taas kilay kong sabi.
Dahil sa pag-kapahiya at katsawan ng mga kaibigan niya ay umalis siya sa harapan.
At ako naman ay bumalik sa pag-babasa, mas gusto kung mag-basa kaysa makipag-kaibigan o makisalanuha sa mga tao rito. sapat naman na si madel (her seatmate).
Tumog ang bell kaya dali-dali kong binalik ang mga librong binasa ko.
Nang matapos ay haharap na sana ako kaso may nabunggo ako.
"Awwww, WHAT THE-" singhal niya
"Sorry, hindi ko sinasadya are you ok?" Tanong ko. Tinignan ko naman ito ngunit nakatitig lang siya saakin. WTH, problema ng isang to?.
"I said βare you okβ?" Pag-uulit ko, may halong inis ang aking tinig dahil sa paraan ng pag-titig niya.
Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Bumalik din naman yun sa muka ko na inis at nakakunot na noo sabay mo pang naka-taas ang kilay ko. Nang mapansin niya ang kunot kong noo ay tila na balik siya sa ulirat.
"Ahhhh, o-oo ok l-lang naman" at nag-iwas ng tingin. Siguro ay nabatid niya yung ginawa niya kaya biglang nahiya.
Tumango na lang ako at umalis. Dumeretso ako sa restroom dahil kailangan kung gumamit nun.
Habang nakaupo sa isa sa mga cubicle ay may narinig akong usapan ng mga espasol.
"Girls, narinig mo na ba?. May bagong secretary si pres clyde!" Tili nung babae.
"Ha, totoo pala yun akala ko chismis lang" may pagka-dismaya ang boses ng isang to.
Ang o-oa naman ng mga to, ano naman kung mag-karoon si press ng mabagong secretary malamang kailangan niya yun hindi biro ang responsibilidad ng ganyan position. Lalo na at sa kanila itong university.
"Kim yata yung name nung secretary ni pres" saad ng isa.
Hindi na ko na pinagpatuloy ang pakikinig sa kanila at lumabas na ng cubicle.
Pag-labas ko naman ay bigla silang natahim, nag-tinginan pa.
Ako naman ay walang imik na nag-hugas kita ko naman na nasa βkin ang tingin nila.
Lumabas na ako na ako at nag tungo sa next subject. Walang pinagbago ang araw ko pagod at boring.
Maaga ang uwian namin ngayon. Kaya ako ay dumeretso nasa sakayan ng jeep mabuti at maaga para hindi siksikan dito wala kang katabing amoy pawis!.
"Manong bayad po" saad ko at bumaba na. Nahuli lang yung bayad pero hindi ako mag 1,2,3!.
Habang naglalakad ay tila may nakasunod sa akin, habang nag-lalalad ay tinignan ko yung side mirror ng kotse na nadaanan ko at may nakita ako roon ng isang pigura ng lalake.
Kaya hindi ako duneretso sa bahay at lumiko. At mabilis na nag tago sa gilid para hindi makita ng lalake na yun.
Sumonod naman siya at pag-sunod niya ay akala niya ay nawala ako.
Lumabas naman ako sa pinagtataguan ko at maingat na nag-punta sa likod ng lalake.
"Sino ka, bakit mo ako sinusundan" at dinikit ang patalim sa likod niya. Isa itong ballpen pero kapag tinanggal mo yung takip ay makikita mo yung patalim maliit lang ito pero matalas.
"Sumagot ka!, sino ka?" Tanong ko ulit at mas lalong dinikit ay patalim sa likod niya.
Pero hindi siya nag-sasalita, kaya ang ginawa ko ay sinapa ko ang isa niya paa at bumagsak naman siya sa sahig.
"Ahhhhhh!" Daing niya, nag taka naman ako bakit hindi siya lumalaban.
Nag-angat naman siya ng tingin at nagulat ako dahil siya yung nakabunggo ko sa library!
"Ikaw!?" Saad ko at hindi makapaniwala
"Anong kailangan mo sakin?" Tanong ko at hindi siya sumagot bagkus ay tumayo siya at may kinuha sa bulsa.
Kaya hinanda ko yung patalim ko sa likod. Nagulat naman ako nang makita sakanya yung bracelet ko!.
"B-bakit na sayo βyan?" Tanong ko at hawak ang pulsuhan ko hindi ko man lang na ramdaman na wala pala akong suot na bracelet!!
"Nakita ko nahulog sa pulsuhan mo akya pinulot ko, hahabulin sana kita kaso pumasok ka sa restroom sumakto naman na tinawag ako ng kaklase ko kaya hindi kita na antay, k-kaya-" paliwanag niya.
" βkayaβ ano?" Tanong ko, pabitin ba naman!
Umiwas siya ng tingin at humawak sa batok "kaya sinundan kita, nahihiya kasi ako lumapit sayo kaya hanggang dito ay nasundan kita" nahihiyang bigkas niya.
"Ohh, so akin na" binigay niya naman at nag-paalam na siya na uuwi, ganon din ang ginawa ko at dumeretso na sa bahay.
Habang naglalakad may na realize ako, ilang araw ko na itong hindi suot at nawawala, kaya pa anong? Nahulog ko ito kanina sa Library at napulot niya?
Hindi kaya hallucinations lang yun pag-kawala nito, dahil sa pagod at stress?
IPAGPAPATULOY~~~