"π’π¨π₯ π’ππ¦ππ¦π¦ππ’π‘"
π£ππ₯π§ 5
ππππ¦ππ'π¦ π£π’π©
TULAD nga ng sinabi ko ay maghahanap ako ng trabaho dahil kulang na ang perang binigay sakin, kaya kailangan kong mag trabaho.
KAMALAS-MALASAN ang nangyari sakin dahil halos lahat ng pinapasukan ko ay hindi ako tinatanggap kahit na may karatulang nag hahanap sila ng ganiyan, ganto nakangiti silang haharap sakin pero kapag nakita na nila yung resume ko e wala silang alinlangan na hindi na daw bakante at may nakuha na sila at halos sipain nila ako palabas para akong may sakit na nakakahawa
"Maβam available pa rin po ba yung sa waitress?" Nakangiting tanong ko kahit waitress man lang e matanggap sana ako
"Oo miss, mag a-apply kaba?" Tugon niya, at dahil malakas ang pakiramdam ko ay sa tingin ko ay matatanggap na ako
"Opo, e-eto po yung r-resume ko!" Dali-dali ko naman inabot yung resume ko kahit kinakabahan ay inabot ko yung resume ko kinuha niya naman itoβt binasa
~DIIINGGG DIIINGGG~
TUNOG ng bell sa pinto hudyat ng may customer na pumasok, isang lalaki na nakaitim na suite
"Maiwan muna kita, pwede ba? Babalikan nalang kita" nakangiting tanong niya, at dahil customer yun ay inuna niya muna ito
Kaya nag-lakad na siya papunta rito, nakakapagtaka kasi habang kinakausap siya ng lalaki e biglang silang tumingin saakin kaya nginitian ko nalang sila at alam kong parang natatΓ¦ ang itsura ko noβn kaya hindi ko na sila tinignan pa baka sabihin nila pinapakinggan ko yung pinaguusapan nila
______________________________________________________________________________________
Maya-maya ay bumalik na rin saakin yung babae na may ngiti sa labi kaya napangiti rin ako
Lord sabi ko na nga ba malakas ako sa inyo!
"Ms, ms" pag-tawag sakin nong babae, kaya nabalik na sa ulirat
"Huh?" Tugon ko, huminga naman siya ng malalim bago nag salita yung ngiti niya kanina ay nawala na parang bula
"Yun na nga, hindi na kita makukuha dahil hindi na namin kailangan nagbago na ang isip ko" paliwanag niya para naman akong binuhusan ng malamig na tubig at nanlamig ang buong katawan ko
"G-ganoβn po ba? S-sige pasensya na po sa abala" tugon ko
"Pasensya na talaga,ha?" Malambing na aniya
"Ayos lang po" sabay tango pero sa loob loob ko iniisip ko na baka may balat talaga ako sa pw3t....
___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________
ILANG oras na akong naghahanap ng trabaho sa mga fastfood chain, coffe shop
Kaya ang last option ko ay sa mga karinderya or mga ukay-ukay basta mga nakikita sa tabi ng kalsada na tindahan yung pwede mag trabaho kahit walang resume kasi pag nakita nila yung resume ko parang may sakit o sumpa yung name ko at bigla silang aayaw at hindi na ako tatanggapin
"Ale, kailangan niyo poba ng taga hugas ng plato" tanong ko dun sa may ari yata ng karinderya
"Oo kailangan ko nga, pero teka muna sugurado ka ba?" Tanong niya ngumiti naman ako ng todo!!
"O-opo, kailan po ba ako mag sisimula" tugon ko
"Ineng hindi naman sa hinuhusgahan kita ha, muka ka naman mayaman, maganda ka rin wala sa itsura mo ang galing sa hirap, iniisip ko na baka e tumakas ka lang sa inyo baka mamaya e mayaman ang magulang mo at ipakulong ako o magalit-" hindi ko na pinatapos ang ang mahabang chechebureche niya!
"Hindi po ba ako mayaman, at mas lalong hindi ako tumakas sa amin dahil dito talaga ako dahil nag aaral ako, ako po ang nagpapa-aral sa akin" paliwanag ko
"At yung muka akong mayaman? Ganda lang po iyan" biro ko pa tumawa naman siya at tumawa na rin ako
" Osiya, sige na tinatanggap na kita pero hindi ka na dishwasher gagaein kita taga bantay at mag s-serve sa mga customer natin para maraming kumain dahil bukod sa masarap e may magandang tindera ang mag s-serve sa kanila, ayos lang ba sa iyo?" mahabang paliwanag niya
"Oo naman po! Basta po may trabaho" nakangiting saad ko
"Maari ka nang mag simula, oo nga pala may cctv tayo rito kaya wag malikot ang kamay" ani
"Anong pala ang pangalan mo?" Tanong niya
"Akesha po!" Nakangiting tugon ko
"Kay gandang pangalan, ako naman si teresa tawagin mo akong aling tes" nakangiting ani aling tes
______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Kaya ayon nag simula na akoβt dinagsa naman kami nang mag tanghaling tapat na kaya abala ako kaka-serve sa kanila minsan ay naiinis na ako dahil may sumisimple na landiin ako, nanghihingi ng number o tinatanong ang pangalan/edad ko, nginingiwian ko nalang sila at hindi na pinapansin
"Akesha, pangalan mo yun diba?" Natigilan naman ako sa pagsandok sa adobong manok at tinignan ko siya siya yung kanina pa nangungulit saakin
"Pano mo nalaman?" Pinanlisikan ko naman siya ng mata,
Itininaas niya naman ang kaniyang kamay at simbolo na sumusuko na siya "narinig ko lang kay aling tes kanina yung tinawag ka niya" paliwanag niya tinapos ko naman ang pag sandok at binigay na sakanya
"Ayan na ang adobo, umalis ka na diyan dahil marami pa ang kasunod, manong" nakangusong umalis naman si darwin kilala ko na ang pangalan niya pero hindi ko siya tinatawag sa pangalan niya kundi "manong" kaya naiinis siya sakin kasi hindi naman siya matanda para sa manong
At nang magsara na ay tinulungan ko na si aling tes magligpit at maglinis
"Ohh, iha ito ang sahod mo" nag taka naman ako dahil sa 700β± yung binigay niya sakin, arawan kasi ang sahod dito pero 450 lang
"Pero bakit, 700 aling tes diba 450 lang dapat?" Naguguluhang tanong ko at inaabot 250 na sobra
"Tanggapin mo na, iha dahil sayo e dinagsa tayo kanina kita mo naman siguro na ang daming customer at puro lalaki pa alam ko naman na ikaw talaga ang pakay ng mga iyon pero dahil masipag karin kanina kaya sinobrahan ko na, hindi naman masyadong mabigat sa bulsa ang 250β± kaya tanggapin mona" nahabang paliwanag niya
"Maraming salamat aling tes" tugon ko
"Osiya, lumakad kana at madilim na baka kung ano ang mangyari sa sayo at baka nay nag aabang na sayo diyan na isa sa mga customer natin kanina na hindi umobra sayo" biro niya at tumawa siya hindi naman ako masyadong natawa sa biro niya dahil may pakiramdam ako na tama yung sinabi niya
Kanina kasi habang naghahanap ako ng trabaho e kahit san ako mag punta naka sunod yung van na puti na iyon kahit kila aling tes, simula ng bahay nakita ko nayon pati na rin sa coffee shop natanaw ko siya sa labas kung minsan ay nasa tahong parte pero nakikita ko parin
NAGLAKAD na ako gaya ng sinabi ni aling tes, nilabas ko naman yung ballpen ko na may patalim (makikita niyong ginamit ni akesha tong ballpen nung chapter 2 doβn sa nerd)
At nang malagpasan ko naman yung van e, akala ko ay susundan pa ako niyo pero nauna na utong umalis, k
At nang makarating ako sa paradahan ng jeep ay sumakay na ako
πππ¦π§ ππ’π₯πͺππ₯π
NASA TAPAT na ko ng bahay at pumasok pag-pasok ko naman natanaw ko agad yung sobre na kulay brown sa study table
Nilapitan ko naman ito at binuksan lumantad naman ang libohing pera don kaya napa takip ako ng bibig at sakto naman na nag vibrate yung phone ko hudyat na may nag text dali dali ko itong kinuha.
IPAGPAPATULOY~~