Being the mayor's daughter doesn't gave you the privilege to live lavishly. Hindi maayos ang pamumuhay na meroon ako dahil kahit na nasa bahay at kasama ko ang buong pamilya ay pakiramdam ko naka kulong ako.
I am trap by my father's ambitions and yes, kahit na gusto akong tulungan ng mama ay wala siyang magawa kung hindi ang tumayo sa isang sulok ang maging isang mabait na asawa.
Sa mata ng publiko ay perpektong pamilya kami. May mapagmahal na tatay, maasikaso at perpektong ina at nga achievers na anak. They didn't know the story behind our perfect family picture and they didn't know that this mansion is a hell in disguise.
Palaging dapat ay perpekto at mataas. Kakaiba at standout sa crowd para pag dumating ang araw na kami na ang tatakbo para sa position ay madali kaming makikilala ng mga tao.
My family was into politics. Ginawa na nila itong dynasty ngunit iba ang gusto ko. I actually wanted to become a painter, gusto kong kumuha ng arts ngunit para kay papa? Basura lang iyon at hindi mapapakinabangan pagdating sa politiko.
Nawala ang pangarap ko at natuto akong unahin kung ano ang gusto ng pamilya ko. During those times, nakalimutan ko ng maging tao hanggang sa may makilala akong kakaiba sa lahat.
I was waiting for our driver to drive me home when suddenly rain started to pour. Wala akong dalang payong at hindi ganoong kalaki ang bubong ng waiting shed upang saluhin ang malalaking patak ng ulan.
Balak ko na sanang tumakbo papasok ulit sa skwelahan ng biglang may payong na sumalo sa mga patak ng tubig. Napataas ako ng tingin upang makita kung sino ito at napaawang ang akin'g labi ng makita ang isang matangkad at morenong lalaki.
The man doesn't show any emotions on his face and his eyes remains stoic as he stares at the pool of water forming in the middle of the road.
"You'll get sick if you get wet." Mahinang ani ng lalaki.
Miski ang boses nito ay mahina ngunit baritono. Bagay na nagpainit sa magkabila kong pisngi.
"H-Hah?" Naguguluhan kong usal.
Gulat pa rin dahil sa estrangherong bigla na lang dumating para payungan ako.
Dinig mo ang mahina niyang pagpalatak tila nawawalan na ng pasensya.
"Ang sabi ko ineng magdadala ka na ng payong sa susunod dahil mahal ang magkasakit." Mahinahon pero may diin niyang ani.
Oh. Teka hindi ko naman siya inutusan na payungan ako ah?!
Sisinghalan ko na sana ito dahil sa pagiging masungit pero ng pagtingin ko pa lang sa mukha niya at makita ko ang mga mata niya ay napatigil na ako at nahihiyang napatingin ulit sa baha na nasa gitna ng kalsada.
Wh-Why does this man needs to be good looking?
Bukod kasi sa matangkad at malaking pangangatawan ay gwapo rin ito. Not that type na makikita sa skwelahan dahil mukha itong modelo na may halong banyaga.
He has this rugged type of beauty, not something I could see everyday.
"Bakit ang gwapo niya?!"
"Sino ba 'to? Bakit ngayon ko lang siya nakita?!" Sobrang dami kong tanong sa lalaki and at some point gusto kong nasagin ang katahimikan na namamagitan sa amin'g dalawa pero hindi ko na 'yon nagawa ng huminto ang ulan at sinara na nito ang payong na dala-dala.
"Take care." Huling mga salita na nadinig ko mula sa kaniya bago siya tumalikod at nagsimulang maglakad papasok sa eskwelahan.
Sayang naman...Pero wait! Bakit papasok siya sa skwelahan?
Sinundan ko ng tingin ang malapad na likoran ng lalaki para malaman ko kung saan siya pupunta. Imbes na dumiretso sa dean's office ay pumunta ito sa direksyon kung nasaan ang cafeteria.
Ano'ng gagawin niya roon?
I want to follow him and thank him for lending me his umbrella, pero biglang bumusina ang isang sasakyan. Dumating na ang driver at sakay nito ang sa tingin ki ay wala sa mood kong ama.
"This damn people always needs help! Hindi na sila natutong tumayo sa sarili nilang mga paa!" Singhal ni papa ng makapasok ako sa loob ng kotse.
Pilit kong siniksik ang sarili ko sa isang gilid. Kahit ang paghinga ko ay naging mababaw sa pag asang hindi mapapansin ni papa na katabi na niya ako.
"Dumagdag pa yun'g mga pakialamerang Gozo! Hanap ng hanap ng baho akala naman nila e mananalo sila sa susunod na botohan!" Dagdag pa nito sabay buga sa usok ng sigarilyonh naka pahinga sa pagitan ng kaniyang mga labi.
Palihim kong tinakpan ang ilong ko dahil ang sabi ni mama ay masama ang makalanghap ng usok galing sa sigarilyo pero naiipon ito sa loob ng sasakyan kaya wala akong nagawa kung hindi ang singhapin ito.
Nakakasuka ang amoy ngunit mas gugustuhin ko pa ito kesa ako ang ma pagbuntongan ng galit ni papa. Dinig ko ang pagkabog ng akin'g dibdib habang pinakikinggan ang masasamang salita na lumalabas sa bibig ng akin'g ama.
Ang sampung minutong biyahe namin pauwi sa bahay ay tila ba isang oras sa sobrang tagal. Minsan nga ay iniisip ko na sobrang sama kong anak dahil ako lang yata ang anak na ayaw makasama ang magulang niya.
-
Nanginginig pa ang akin'g mga tuhod at ramdam ko pa ang pananakit ng aking kasu-kasuan habang tahimik akong naglalakad papunta sa cafeteria.
Nakita ni papa ang mga grades ko sa school. Hindi naman mababa ang mga 'yon pero hindi pasado sa standards nila kaya naman nagalit ito ng sobra.
Makaluma man pero mahigit limang oras din akong nakaluhod sa maiinit na bato habang paulit-ulit kong binabasa ang mga reviewer na pinagawa pa niya sa secretary niya. Sobrang hapdi ng mga bato at nanginginig na sa pagod ang mga buto ko sa katawan, gusto kong umiyak at humingi ng tulong kay mama pero ng makita ko kung paano siya yumuko at umatras paalis ay mas minabuti ko na lang na itikom ang akin'g bibig at tiisin ang sakit at ngawit.
Upang hindi mapansin ng mga kaklase ko na may iniinda ako ay nakangiti akong naglakad papunta sa cafeteria. Kailangan ko pang batiin isa-isa yun'g mga hihinto para kausapin ko para naman maging maayos lalo ang imahe ko.
Image over comfort, iyon ang motto ko sa mga oras na ito. Pagpasok ko sa cafeteria ay iba't ibang estudyante ang sumalubong sa akin. Maingay at magulo ang paligid at abala ang lahat sa pagkain na naka hain sa kanilang harapan.
Kumpara nitong mgs nakaraang araw ay parang masaya yata ang mga estudyante ngayon. Ano'ng meroon?
Tinignan ko ang plato ng isa at napataas ang isa kong kilay ng makitang ubos na ubos iyon. Oh masarap ba ang luto ngayon?
Nagtatakha ay paika-ika akong lumakad papunta sa harap ng pila. Nagulat ako ng tumambad sa akin ang pamilyar na pigura ng isang lalaki.
Si kuya na may payong...
Ano'ng ginagawa niya rito?!