Prologue

1410 Words
Suot ko ang pinakamaganda, makinang, fit at backless na black dress ko. Ito din ang huling regalo sa akin ng ex-boyfriend ko bago kami maghiwalay dahil sa panloloko niya sa akin. Habang naglalakad ako papasok sa malaking hotel kung saan gaganapin ang Night Ball Party ng mga sikat na business man, napapansin ko ang mga taong napapalingon sa akin, lalo na ang mga kalalakihan. Alam ko kaagad kung saan sila nakatingin, alam kong sa aking dibdib iyon. Ramdam ko ang pag-alog ng malaki kong dibdib sa aking bawat paghakbang. Sinadya kong hindi takpan ang aking cleavage para sa aking plano. Binalik ko sa aking hand bag ang invitation ng Night Ball Party. Tumayo ako sa harapan ng elevator at may iilan akong nakasabay na mukhang sa Ball Party din ang punta. Nakita ko ang reflection ko sa pinto ng elevator, kumikinang ang eyelids ko sa aking make-up. Hinawi ko ang kinulot kong buhok at huminga ng malalim nang bumukas ang elevator. "Kaya ko 'to," bulong ko at naglakad papasok ng elevator. Nang sumara ang pinto ay bigla akong nakaramdam ng kaba. Hindi ko alam kung anong mangyayari, kung ano ang magiging reaksyon ni Solomon kung makikita niya ako. May parte sa akin na baka magbago ang isip niya kapag nakita niya ako, baka bumalik siya. Pero sa ngayon, gusto kong gumanti sa kaniya. "Maganda ba ako?" rinig kong sambit ng babaeng nasa gilid ko. "Yup, slay Madam!" sabi ng kaniyang kasama. "Kailangan ko akitin si Garrison, mapapasa-akin din siya ngayong gabi," aniya. Napabuntong hininga ako, hindi lang pala ako ang desperado sa mundo. Gusto ko na lang i-gaslight ang sarili ko na marami naman siguro akong kapareho ng sitwasyon sa dami ng tao sa mundo. Marami din kaming tanga sa pag-ibig. Bumukas ang elevator at naglakad ako sa red carpet patungo sa mga tables and chairs. Bigla akong napahinto sa sobrang daming tao, napuno ng ingay ang paligid. Napapikit ako sa silaw nang biglang mag-flash ang mga camera ng photographers. Umiwas ako sa liwanag at agad na lumakad papunta sa sulok. "Wala naman kasi akong kakilala rito, nasaan kaya ang lalakeng 'yon?" bulong ko sabay libot ng aking paningin. "Are you looking for someone, stunning lady?" tanong ng isang lalaki na nakasuot ng puting suit, moreno, matangkad at amoy mayaman. Inabutan niya ako ng isang wine glass, kailangan ko makisama, alam kong hindi ko ito lugar pero kailangan ko umakto ng mayaman. "Thank you, do you know the guy named Solomon---" "Solomon? I don't know him, but I heard of him once," aniya at ininom ang hawak nitong wine. "Uhh---do you know where's the bathroom?" tanong kong muli. "It's there," tumuro siya, "At the corner." Ngumiti ako sa kaniya, "Thank you, mauna na ako." Naglakad ako kaagad at iniwan siya. Bago ako tuluyang makapunta sa banyo ay biglang nahagip ng mga mata ko si Solomon. "Solomon..." bulong ko. Tila ba tumalon ang puso ko sa saya kasabay noon ang pagkirot ng puso ko. Isang babae ang yumapos sa braso ni Solomon at nang lumingon sila kung saan ako nakatayo ay napagtanto kong si Krizhel iyon, ang babaeng umagaw kay Solomon. Hinawakan ko ng mahigpit ang hawak kong wine glass sa sobrang galit ko, napatayo lang ako habang pinapanood silang dalawa na maglandian. Hindi ko pa rin matanggap na nagawang itapon ni Solomon ang tatlong taon na pinagsamahan namin para sa babaeng isang buwan pa lang niya nakikilala. "Ouch!!" daing ko nang may grupo ng mga lalakeng sumagi sa akin, ni-isa sa kanila ay hindi ako nilingon para mag-sorry man lang. "Mayayaman nga, wala namang modo," bulong ko at muling binalik ang tingin ko kala Solomon. Nanlaki ang mga mata ko nang magtama ang mga mata naming dalawa. Nakatitig lamang sa akin si Solomon, walang ekspresyon ang kaniyang mga mata. Para akong nabaliw sa kaba at hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. Hindi ako dapat magmukhang kawawa sa paningin niya. "Excuse me, Miss," sambit ng isang lalaki at hinila ang upuang nasa tabi ko. Agad siyang naupo doon. Muli akong napatingin kay Solomon na hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin. Nabalisa ako at binaba ang wine glass sa lamesang nasa harapan ko. Hinawakan ko ang lalakeng naupo sa tabi ko, kita ko ang gulat sa mga mata nito nang makita niya ang mga kamay ko sa balikat nito. Kung kaya ni Solomon humanap ng iba, kaya ko rin. Kaya ko rin siyang ipagpalit. Akala niya, siya lang ang may kaya!? Tila ba nawala ako sa katinuan at mabilis akong naupo sa hita ng lalake. "What are you doing---" Hindi ko na siya pinatapos sa kaniyang pagsasalita. Mabilis kong hinigit ang kaniyang batok para halikan ito. I did a passionate kiss with him, at first I thought he wouldn't respond but he did! Naramdaman ko ang kamay niya sa aking likuran, he pressed me closer to him. I suddenly stopped kissing him. "S-Sorry, I-I..." Nauutal akong nagsalita habang binalik ko ang tingin kay Solomon. Nagkatinginan kami pero agad na hinila ni Krizhel ang braso ni Solomon at dinala kung saan. "Do I know you?" tanong ng lalake. Nakakatakot ang tingin nito sa akin na tila ba galit sa paghalik ko. Napatayo ako kaagad sa kaba. Nanginginig ang kamay kong ininom ang wine at inubos ito. "You're shaking." Akmang hahawakan niya ang kamay ko pero napaatras ako. "A-Ano, s-sorry. P-Please kalimutan mo na lang yung nangyare. S-Sobrang sorry po, I know I'm wrong for kissing you without permission and---" "Let's give a toast for Mr. Solomon Basco and Krizhel Guiao for their wedding engagement!" Napatigil ako nang marinig ko ang boses ng lalake sa mga speakers. Dahan-dahan akong napalingon sa stage, naroon na si Solomon at Krizhel na sabay itinaas ang kanilang wine glass. "Cheers, everyone!" Naramdaman ko ang pagpatak ng luha ko. Kitang-kita ko kung gaano kasaya ang mga mata ni Solomon. Alam na alam kong masaya siya sapagkat iyon ang mga matang nakita ko nang tatlong taon. Ang mga mata na iyon ang natititigan ko sa loob ng tatlong taon ng buhay ko. Nabitawan ko ang wine glass. "Sh*t! What are you doing, are you f*cking okay?" Napatayo ang lalake dahil sa pagkabasag ng wine glass ko. Hindi ko siya pinansin. Gusto kong sumigaw, gusto kong magwala, gusto ko silang sampalin, gusto kong sabunutan ang babaeng yon! "Miss, are you even listening to me!" Hinawakan niya ang braso ko, napatingin ako sa mga mata niya. Nag-iba ang ekspresyon ng mukha nito nang makita niyang tumutulo ang luha ko. Akmang pupunasan nito ang pisngi ko pero mabilis akong tumakbo papalabas ng venue. Gusto kong takasan ang lahat. Gusto ko na lang maglaho, hindi ko na kaya ang sakit. Hindi ko kailan man matatanggap na papakasalan niya kaagad ang babaeng 'yon, dalawang buwan pa lang sila magkakilala! Pagpasok ko ng elevator ay agad akong napaluhod doon, akmang pipindutin ko na ang ground floor nang biglang may lalakeng pumasok sa elevator. Tanging paa lamang nito ang nakita ko dahil napasalampak na ako. Patuloy lamang ako sa pag-iyak. Pakiramdam ko ay hinang-hina ang katawan ko. "You're bleeding," bulong nito. Napatigil ako sa pag-iyak nang mapagtantong pamilyar ang boses nito. Nakita ko siyang pinindot ang ground floor umupo upang pantayan ako. Tinukod niya ang isa niyang tuhod at hinawakan ang binti ko. "You need medication right away---" "Bitawan mo 'ko. Akala ko ba galit ka? Bakit nag-aalala ka pa sa akin. Hindi ba kanina galit ka? I kissed you out of nowhere and---" biglang sumakit ang ulo ko. Napahawak ako sa aking sentido. "I'm not mad at you. I asked you many times but you didn't explain earlier. I understand what you're doing, I saw you crying after Solomon and Krizhel announced their engagement." "Please... I don't want to hear their names anymore," naluluha kong sabi. "Okay, I'll help you go to the hospital--" "Hindi na, kaya ko na." Akmang tatayo ako nang bigla akong makaramdam nang matinding hilo. Naramdaman ko ang pagbagsak ko sa katawan ng lalakeng nasa harapan ko. Pilit kong nilalabanan ang panghihina ng katawan ko. Hindi ko maintindihan kung bakit para akong nalasing sa isang basong wine. It's just a wine, pero bakit ganito ang epekto sa katawan ko? "Who gave you..." Hindi ko na maintindihan ang sinasabi ng lalake. Napapikit ako at pilit na inaayos ang aking sarili. "Who, miss. The drink!" napakunot ang noo ko sa kaniyang malabong salita. Naramdaman ko na lang ang katawan kong unti-unting bumabagsak. Tuluyan akong nawalan ng malay sa bisig niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD