Nagising ako dahil biglang kumalam ang tiyan ko, naalala kong hindi pa pala ako nakapag-dinner. Pagod akong tumayo at biglang nahulog ang cellphone ko sa sahig, binaba ko ang tingin at nakita ko ang picture naming dalawa ni kuya sa screen.
Dahan-dahan akong yumuko at pinulot ang phone, tinitigan ko ang mukha ni kuya.
Ipaghihiganti kita kuya,
Namuo kaagad ang sakit sa puso ko pero hindi yun kayang palabasin ang mga luha ko, akmang ibaba ko na sana ang phone nung bigla 'yong tumunog.
Dad Calling...
Psh! Akala ko nakalimutan na ako neto?
Bumuntong hininga pa muna ako bago sinagot ang tawag.
“Tamia?” Nagulat ako nung marinig ang paos na boses ni dad sa kabilang linya.
“Dad,” kahit nag-aalala ay hindi ko pinahalata.
“Kumusta ang pananatili mo d'yan?” Mahihimigan ang pag-aalala sa boses ni dad, kumunot ang noo ko.
Something feels off.
“Okay lang naman, maganda ang tanawin malamig ang simoy ng hangin.” Walang ganang sagot ko, narinig ko ang malalim niyang buntong hininga.
“I'm glad you like that place,” ani niya.
hindi ko sinabing gusto ko 'tong lugar na 'to dad.
“hey dad, may sakit ka ba? Parang pumaos yung boses mo e.” Nag-aalalang ani ko, natigilan siya.
“May ubo lang ako nak,” Sabi niya at narinig ko ang bahagyang pag-ubo niya, bumuntong hininga ako.
“Make sure to take your meds dad,” Paalala ko sa kaniya.
“Yes nak thank you for worrying,” Kahit hindi ko nakikita alam kong nakangiti siya ngayon. Tumango ako na animong nakikita niya ang ginawa ko.
“Mm, where's mommy?” Wala sa sariling tanong ko natigilan siya. “Dad?” Tawag ko nung hindi siya sumagot.
“Oh, nasa hospital pa siya nak, hindi pa siya nakakauwi.” Gulat na sagot niya, tumingin ako sa relo at 10:53 na ng gabi.
“Please do tell this to her dad, that don't push herself too much,” Napapabuntong hiningang ani ko, natigilan ulit siya. “Dad, may gusto ka bang sabihin sa'kin?” Diretsong tanong ko.
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon, kinakabahan pero nangibabaw ang pag-aalala.
“N-nothing anak, yes I'll tell her when she's back.” Natutulirong ani'ya, kumunot ang noo ko.
Hindi ka ganito makipag-usap dad, I know you.
“Are you sure?” Paniniguro ko.
“Yeah, nagulat lang ako nung bigla mong tanongin kung nasaan ang mom mo.” Sagot niya, nakahinga ako ng maluwag at tumitig sa kisame.
“Psh,”
“Kumain ka na ba ng dinner?” Tanong niya, kumalam ang tiyan ko.
“Hindi pa dad,”
“Ha? Why? Wala ba kayong makain?” Sunod-sunod na tanong niya.
Parang gano'n na nga dad.
“Nope, I fell asleep kaya hindi ako nakapag-dinner.” Sagot ko narinig ko ang buntong hininga niya,
“Ingatan mo rin sarili mo Tamia okay? Wag kang magpapalipas ng gutom”
“Yes Dad,”
“Oh siya kailangan ko ng ibaba 'to, tumawag yung client ko."”Ani'ya tumango ako.
“Okay bye dad.” Sabi ko at ibinaba na ang phone, isinandal ko pa saglit ang ulo ko sa pader at tumitig sa kisame.
Kuya, protektahan mo sina mom and dad ha? Lalo na ngayong may nakapasok na demonyo sa bahay.
Malalim akong bumuntong hininga at bumaba sa kama, pumunta ako sa kusina at nadatnan ko do'n si Lolo na nakapandikwatrong pang-babae at titig na titig sa bintana.
“Lo,” Tawag ko sa kaniya nung makalapit gulat siyang lumingon sa'kin kumunot ang noo ko at dahan-dahang lumapit sa ref para kumuha ng pagkain.
“Maria, bakit gising ka pa?” Tanong niya ngumiwi ako at kinuha ang ulam sa ref.
“Ikaw dapat ang tanongin ko niyan lo,” Sagot ko at isinarado ang ref pumwesto ako sa upuang kaharap niya at nag-simula ng kumain.
“Hindi ako makatulog.”Sabi niya at muling bumaling sa labas ng bintana tiningnan ko ang tinitingnan niya, ngumisi ako.
Buwan, namimiss mo siguro si Lola.
“Namimiss mo siya?” Ngumunguyang tanong ko napalingon siya sa'kin at dahan-dahang tumango. Bumuntong hininga ako.
“Sobra,” Sagot niya at bumaling ulit sa labas,
“Hanggang ngayon ba, wala ka pa ring alam kong sino ang gumawa nun kay Lola?” Tanong ko at natigilan siya, uminom ako ng tubig at pinahiran ang bibig saka sumandal sa upuan.
“W-wala, ano ba naman ang magagawa natin? Wala na ang Lola mo, hindi na natin magagawang ibalik siya kung sakaling maghiganti tayo...” Mahabang sagot niya, naiiyak. Bumuntong hininga ako at pinagkrus ang mga braso.
Alam ko ang nararamdaman mo lo, alam ko kung gaano kabigat ang dala-dala mong sakit. Alam kong mahirap mag-move on lalo na't wala pang limang buwan nung mawala si lola.
“Dalawang buhay, ang nalagas sa'tin.” Seryosong ani ko,natigilan siya at natutulirong tumingin sa'kin. Ipinatong ko ang siko sa mesa at pinagsiklop ang mga kamayng diretsong tumitig sa kaniya.
“Tsk, Maria alam ko kung ano ang binabalak mo. Kung ako sa'yo please lang wag mo nang ituloy.” Napapapikit na ani'ya, ngumiwi ako.
Too bad, hindi ikaw ako.
“Wala akong binabalak lo,” Nakangising ani ko nangunot ang noo niya iniwas ko ang paningin at tumitig sa litrato ni Lola na nakadikit sa dingding.
Pinaplano ko pa lang,
“Maria, ayaw kong mapahamak ka... Nandito ka para magbago hindi para pumasok sa panibagong gulo.” Makahulugang sambit ni Lolo natigilan ako at dahan-dahang tumingin sa kaniya.
Magbago? I don't think na magbabago pa ako, marami akong gustong gawin lo. Marami akong gustong dispatsahin, pero nag-aalala ako sa inyo—at sa mga magulang ko.
Sinira nila ang buhay ko, kinuha nila ang dalawang malalapit sa buhay ko. Kaya hindi ako magdadalawang isip na hanapin at lagasan rin sila.
Uunahin ko ang mga pisteng rameriz na 'yan, mahahanap ko rin kayo, oras na para bayaran ang buhay na inutang niyo.
“Wala akong pakialam kung mapahamak man ako lo, ang tanging inaalala ko ay kayo.” Makahulugang ani ko at tumayo.
Dahil hindi malabong babalikan at babalikan tayo ng mga 'yon.
“It's getting late, you have to rest na.” Pagtatapos ko sa usapan iniwas niya lang ang paningin, bumuntong hininga ako at tinalikuran na siya.
Maiintindihan mo rin ako balang-araw.
Kinabukasan nagising ako dahil sa bunganga ni lolong pinaglihi sa pwet ng manok, inis kong kinamot ang ulo ko at padabog na bumaba ng kwarto.
“Ano ba Paul! Bumangon ka na d'yan at mag-igib ka ng tubig do'n sa balon!” Sigaw niya inis akong lumabas at nakita ko siyang nagpapakain ng manok, nilingon niya ako at tinaasan ng isang kilay. “Baka nakakalimutan mong ngayon ka magsisimula sa trabaho mo?” Sarkastikong tanong niya nanlaki ang mata ko sa gulat.
Shit! Bakit ba nawala 'yan sa utak ko!
Hindi ko na siya sinagot pa at himarurot na ng takbo sa cr kinuha ko ang container at nagmadaling lumabas.
“Huy mag-hinay-hinay ka baka madapa ka Paul!” Pahabol niya nilingon ko siya at nginiwian.
“Ang lupa mismo ang iilag 'pag nangyari 'yon lo h'wag kang masyadong mag-alala.” Nakangising ani ko nakita kong napailing-iling siya kaya bumaling ulit ako sa daan at masayang tumakbo papunta sa balon.
Nanlaki ang mata ko nung makita si jade na kasalukuyang nag-iigib sa balon, bumuntong hininga ako bago siya nilapitan. Nakita ko ang pagkagulat niya nung makita ako, nginitian ko siya.
“Wala rin bang tubig sa inyo?” Tanong ko at sumilip do'n sa ilalim ng balon nagulat ako no'ng iharang niya ang kamay sa bandang dibdiban ko kaya natapik ko 'yon ng malakas.
Bastos...
“B-bakit mo ginawa 'yon?!” Nanlalaki ang matang tanong ko nakita kong agad na namula ang mukha niya at nag-iwas ng tingin, umatras ako at niyakap ang sarili.
“S-sorry, n-nag-alala kasi ako baka m-mahulog ka d'yan.” Utal na sagot niya na hindi tumitingin sa'kin bumuntong hininga ako at napapahiyang iniwas ang paningin.
Damn it, napaka assuming mo Tamia!
“U-uh, sa susunod h'wag mo ng gagawin 'yon ulit. Hindi magandang tignan 'pag may ibang nakakita.” Seryosong ani ko at lumapit muli sa balon, binigyan niya ako ng space para makakuha ng tubig.
“Mm, sorry...” Nahihiyang usal niya tiningnan ko siya at binlangko ang mukha.
“Okay lang,” Sabi ko sandaling nangibabaw ang nakakabinging katahimikan sa'ming dalawa, hindi siya nakatiis at siya na ang bumasag no'n.
“K-kaya mo ba 'yang buhatin?” Tanong niya inangat ko ang tingin sa kaniya at nakatingin lang siya sa container ko, ngumisi ako.
“Oo naman—wag mong sabihing hindi mo kayang buhatin 'to?” Halos matawa pa ako sa naging sagot ko, ngumiwi siya at itinaas ang braso.
“Nakikita mo 'to? Kaya nitong bumuhat ng limang container, kung pwede nga rin lang ikaw e...” pahina ng pahina ang boses niya, natigilan ako at tumitig sa kaniya.
Anong sinabi mo?
“Ha?” Kunwaring tanong ko umirap siya at pinisil ang brasong wala namang muscle.
“Lahat ng mga babaeng nakikita 'to ay nagkakagulo.” Mayabang na sambit niya at umarte pang hinalik-halikan ang braso, ngumiwi ako at dahan-dahang nagsalin ng tubig. Habang siya walang tigil sa kadadada, wala naman akong maintindihan dahil puro kayabangan lang ang lumalabas sa bibig niya.
--
“BWAHHAHAAH, grabe wala pang nakakagawa no'n kay chad!” Patungkol niya sa kaibigang nakasuntukan ko kahapon matapos ikwento sa kaniya ang unang pagkikita namin sa train, nginiwian ko siya at umupo sa gilid ng balon.
“Psh, kinatatakutan ba 'yon dito?” Kunwaring walang ganang tanong ko narinig ko ang malalim niyang buntong hininga, iniwas ko ang paningin at tumingala sa langit.
“Hindi lang 'yon kinakatakutan dito, bukod sa mayaman sila e pwede niya ring ipatapon palabas sa probinsiyang 'to ang taong humaharanang sa dinaraanan niya.” Makahulugang sagot niya napatingin ako sa kaniya, mapait siyang ngumiti.
Parehas pala kami, binubura ang humaharang sa plano ko.
“E bakit kayo naging mag-kaibigan?” Walang ganang tanong ko at tumingala ulit sa langit, nakita kong natigilan siya.
“U-uh, nagtatrabaho yung tatay ko sa kanila bilang driver niya” Maikling sagot niya, tumango naman ako.
“Oh siya, hindi na ako magtatagal dito may trabaho pa kasi ako e.” Sabi ko at bahagya pang tumingin sa relo ko natutuliro naman siyang tumayo, kinunutan ko siya ng noo.
“G-ganun ba—h-ha? Mag-t-trabaho? Saan naman?” Gulantang niyang tanong hindi ko alam kong ba't siya nagulat, bumuntong hininga ako at natatawang tumingin ulit sa kaniya.
Grabe kasi rumeact.
“Sa amoretto restaurant, taga-hugas ng pla--”
“Waiter rin ako do'n!” Masayang pigil niya sa'kin, natigilan ako.
Oh e ano ngayon? Bakit ganiyan ka nalang kasaya?
“O-okay” Nag-aalinlangang sagot ko at iniwas ang paningin.
Weird.
Akmang bubuhatin ko na sana ang container nung bigla niyang pigilan 'yon, taka ko siyang tiningnan. Ngumiti siya.
“Ako na, baka mabinat ka e.” Nakangiting ani'ya at tinapik ang kamay kong nakahawak sa hawakan ng container. Taka naman akong tumayo at pinagmasdan siyang buhatin ang container na walang kahirap-hirap.
Mabinat? Ano bang tumatakbo sa isip ng taong 'to?
“H-huy,akin na 'yan!” Pigil ko sa kaniya nung akmang magsisimula na siyang maglakad, napalingon ako sa container niyang naiwan sa balon.
“Wag ng makulit louise.” Lumingon ulit ako sa kaniya nung sumeryoso siya bigla, hindi siya lumingon at nanatiling na sa harap ang paningin.
“Tsk, e paano yung sa'yo? Iiwan mo lang do'n?” Naiinis na tanong ko, nilingon niya ako at nginitian na dahilan ng paghiwalay ng diwa ko sa aking katawan.
“Pwede ko pa naman yung balikan 'di ba?” Nakangiti munit seryosong tanong niya natutulirong iniwas ko ang paningin.
“B-bahala ka sa buhay mo!” Pasinghal na sagot ko at nagpasimaunang naglakad, pilit kong binibilisan ang lakad ko pero nakakasabay parin siya kaya hinayaan ko nalang.
“Anong oras ka ba papasok?” Biglang tanong niya tumingala ako sa kaniya at nagkibit balikat.
“Mm, mga 7 'ata?” Hindi siguradong sagot ko at iniwas ang paningin.
“Ah”
“Bakit?”
“Pwede bang sabay nalang tayong pumunta do'n?” Nahihiyang tanong niya, napaisip ako.
bakit naman gusto niyang sumabay sa'kin?
“Bakit naman?” ako.
“May motor kasi ako, kaya kung pwede? Ikaw ang maging pasahero ko?” Tanong niya at iniwas ang paningin kumunot ang noo ko.
Napakaweirdo talaga ng taong 'to, nararamdaman niyo rin no?
“E ano naman kung may motor ka? As if naman sasakay ako sa'yo,” kunot noong sagot ko at binilasan ang paglalakad, humabol siya.
“Masama bang sumabay ka nalang sa'kin?” Nakangising tanong niya, inirapan ko siya.
“Bakit nga?”
“Tsk gusto ko'ng makasabay ka!”
“Bakit hindi ka ba makakapasok kung hindi ako sasabay sa'yo?”
“Hindi naman”
“Psh! Antanga mo!” Hindi ko na mapigilan ang sarili kong sigawan siya.“Tsaka! Nandyan si Lolo, ihahatid niya ako kaya salamat nalang.” Nakangiwing dagdag ko saka binawi ang buhat-buhat niyang container nagulat siya pero madali ring nakarecover at dahan-dahang ibinaba ang 'yon.
Dahil sa bilis ng paglalakad namin ay 'di namin namalayang nakarating na pala kami sa bahay, naagaw ang atensiyon namin nung lumabas si Lolo, bahagya pa siyang nagulat at nagpalipat-lipat ang tingin sa'ming dalawa.
“Jade?” Gulat na tanong ni Lolo, nakangiti namang lumapit si jade sa kaniya at nagmano.
“Mano po mang Jerry,” si jade, kinrus ko ang braso ko at pinagmasdan sila.
“Kaawaan ka ng diyos, hijo.” Si Lolo. “Kailan pa kayo naging close nitong apo ko?” Takang tanong ni Lolo, napakamot sa ulo si jade at sandaling nilingon ako.
Anong inilingon-lingon mo?
“Uh, dahil po kasi sa kabaitan nitong apo niyo ay hindi ko na siya mawala wala sa isip ko.” Nakangiting sagot niya at bumaling kay Lolo, kumunot ang noo ko.
Ano na naman ba ang pinagsasabi niya? Bakit sa pandinig ko napaka-landi no'n?
“Kabaitan ba ka'mo?” Hindi makapaniwalang tanong ni Lolo, napairap ako sa kawalan.
“Opo, ang bait niya po sobra. Oh, tignan niyo po to oh! Siya ang gumamot nito!” Masayang sabi niya at pinakita kay Lolo ang may benda niyang braso. Tumingin si Lolo sa'kin nakita ko sa kaniyang mga mata ang pagtataka, nagkibit balikat lang ako saka binuksan ang pinto para pumasok sa loob pero natigilan ako nung magsalita si Lolo.
“Ginamot?!” Gulat na tanong ni lolo, napalunok ako. Dahan-dahan akong lumingon sa kanila at nagtama ang paningin namin ni Lolo, nagpalipat lipat naman ang tingin ni jade sa'ming dalawa.
“Hindi ko 'yan ginamot.” Malamig na sambit ko, natigilan naman sila. Bumuntong hininga ako at walang pag-aalinlangang tinalikuran sila. Pero natigilan muli ako nung magsalita si jade.
“E ano ang ibig sabihin neto? Yung pagtali mo ng blazer dito sa sugat ko?” Sunod sunod na tanong niya, napakamot ako sa noo.
Tsk! Bakit ba ang dami niyang tanong?
“Hindi mo ba alam ang salitang 'konsensiya' ?” Pilit kong pinigilan ang inis pero nabigo ako. Hindi ko siya hinarap at nanatiling nakatungo sa sahig.
Hindi siya nakasagot kaya tuluyan na akong pumasok sa cr at padabog na isinara yun.
“Nakakabadtrip siya, bakit ba binibigyan niya ng malisya ang mga ginagawa ko sa kaniya? Hindi siya nakakatuwa.” Napailing-iling ako at sinimulan ng maligo, pagkatapos ay pumasok na ako sa kwarto at nagbihis.
Tiningnan ko ang relo ko at 6:24 na, kinuha ko na ang bag saka dinampot ang selpon sa side table, pumunta ako sa kusina at nadatnan ko do'n si Lolo na seryosong nakatitig sa'kin.
Anyare sa kaniya?
“Tamia,” tawag niya sa'kin, kinunutan ko siya ng noo saka lumapit sa ref.
“What?” Takang tanong ko sabay bukas sa ref at kinuha ang gatas, matapos kunin 'yon ay isinarado ko na ang ref at lumapit sa mesa.
“Paano mo nakilala si jade?” Malamig na tanong niya, tumaas ang isang kilay ko.
“Dahil nagpakilala siya,” maikling sagot ko saka nagsalin ng gatas sa baso, narinig ko ang malalim niyang buntong hininga.
“What I mean is—paano?—saan? Saan mo siya unang nakita?” Maaksiyong tanong niya natigilan ako sa ginagawa at tumingin sa kaniya ng diretso.
Bakit parang naging interesado ka 'ata?
Umupo ako sa upuang nasa harap niya saka isinandal ang likod na hindi tinatanggal ang tingin sa kaniya.
“Why do you wanna know?” Malamig na tanong ko, bumuntong hininga siya at iniwas ang paningin.
“From what I've seen earlier, you look close” pinagkadiinan niya ang huling salita, bahagyang kumunot ang noo ko.
Is that so?
“Guni-guni mo lang 'yon,” Sabi ko at iniwas ang paningin, hindi na siya sumagot kaya nilaghok ko na ang isang basong gatas.
“Hindi lang ako makapaniwala na hindi ka pa nga nakaka-isang linggo dito ay may kaibigan ka na agad,” Napailing-iling na sambit niya natigilan ako at tiningnan siya, nakita ko ang saya sa kaniyang mga mata.
Psh! Ang sabihin mo kaaway.
“Hindi ko 'yon kaibigan...” Malamig na ani ko, ngumiwi siya at napapabuntong hiningang tumayo.
“Tsk! Muntik ko ng makalimutang hindi ka nga pala palakaibigan,” sarkastikong ani'ya, napairap ako sa kawalan at tumayo na rin.
“Psh! Tama na nga yang satsat lo, baka malate ako---”
“Ay, sorry apo hindi kita mahahatid ngayon may lakad ako e.” Malungkot na sambit niya nanlalaki ang mata kong tiningnan siya.
“What? Pero lo, sinong maghahatid sa'kin?” Kunot noong tanong ko, napaisip siya.
Lintik naman talaga oh!
“Ah! Isasabay nalang kita sa anak ni Mrs. Tanya na si Cha--”
“ANO??!”
That's bullshit! Sana pumayag nalang ako sa gusto ni jade kanina!