Kinabukasan, 4pm, nagkita sina Kendra at Leina sa isang coffee shop, hindi na siya nagdala ng sasakyan dahil susunduin na lamang siya ni Matt, magkaharap na sila ni Kendra "Kendra, asan si Ria? Bakit natitiis niya na hindi kasama ang anak niya?" "Ayaw niya ring mawalay kay Tintin, pero wala kaming magagawa" "Bakit?" "Aaminin ko sayo, may sakit si Ria, brain tumor" "What? Totoo ba ang sinasabi mo?" "Oo totoo ang sinasabi ko, nagpapagamot siya pero..." "Pero ano?" "Delikado na rin kasi ang lagay niya, pero gagawin namin ang lahat para maging okay siya, para kay Tintin" Hindi agad nakapagsalita si Leina, nabigla siya sa nabalitaan niya "Bakit sa amin niya iniwan si Tintin?" "Dahil sa inyo kampante si Ria, kampante siyang maalagaan niyo si Tintin" "Kaya ba hindi na siya bumalik nuon

