Halos 11pm na nang makauwi si Matt, dumiretso na siya sa kwarto nila ni Leina, kasalukuyan namang nanonood ng tv ang asawa dahil nga inaantay siya nito "Mahal" ani ni Leina pag pasok ni Matt sa kwarto, lumapit naman si Matt sa asawa at naupo sa tabi nito saka hinalikan sa labi "Kamusta ang lakad?" "Wala na si Ria sa Tagaytay, may nakausap kaming kapitbahay, ang sabi raw babalik na sa Manila sila Ria, tapos ang sabi raw ni Tintin kasi titira na raw sa bahay ng Daddy niya" "Ibig sabihin nasa Manila lang si Ria? O yun lang ang sinabi niya sa kapitbahay nila?" "Hindi ko alam Mahal" "Plinano niya to lahat, ang iiwan ang bata sa atin, pero para saan?" "Siya lang ang nakakaalam Mahal" Hinimas ni Leina sa braso ang asawa "Pagod ka na Mahal, kumain ka na ba?" "Oo kumain na kami ni Aldrin ba

