Amarah
Akala nya Wala nang mas sasakit pa sa pag abandona ng kanyang ama sa kanilang mag iina, pero mas masakit pala kapag marinig mo Ito mismo sa bibig ng sarili mong ama. Kanina pa sya rito sa Labas ng opisina ng daddy ezequel nya at ng ate Agatha nya, nakikinig sa usapan ng ama ito, hindi man Lang siya napapansin ng mga ito.
Dad please paalisin mo na ang babaeng Yun! please Lang paalisin mo na ang bastarda mo dito sa pamamahay natin, Ayaw Kong masaktan na naman ang mommy kapag bigla nya tong malaman. alam mo namang mahina ang puso ni mom baka hindi nya kayanin,
Don't worry Agatha, kayo lang ang pamilya ko, matagal ko nang pinutol ang ugnayan ko sa kanila, bigyan mo ako ng kunting oras at kausapin ko muna ang kapatid mo,
Do it dad habang kaya pa kitang pagtakpan Kay mom, bago ko pa maisipang ako mismo ang magpaalis sa bastarda mo.
Napatakip sya sa kanyang bibig dala nang hindi mapigilang hikbi, parang hindi sya makahinga sa sobrang sakit na kanyang naramdaman, ang munting pag asa nya na makasamang muli ang kanyang ama ngayon ay naglaho na, napalitan na ito ng pagkamuhi para sa sariling ama at sa pamilya nito, buo na ang loob niyang lisanin ang mansion.
Mamayang madaling araw, hindi na nya hintaying palayasin pa sya ng mga ito, Tama na ang mga pagpipilit nya para lang makasama nya ang ama, Wala naman syang ibang hinihiling kundi tanggapin sya at mahalin ng mga Ito.
Bumuntong hininga sya para pakalmahin ang sarili, pinapangako nya ito na ang huling apak nya sa Lugar na to, sisigutaduhin ko na pagdating ng araw yayaman ako at hihigitan ko ang mga taong yun na kung tratuhin ako ay parang basura, aalis ako sa Lugar na to at magpakalayo layo, pero babalik ako para ipamukha sa kanila na isa akong Fuentes.
Sa gabing yon umalis sya sa poder ng ama nang walang bakas, dala dala ang isang di kalakihang bag na syang tanging bitbit nung lumuwas sya ng maynila, Sa kaibigan sya pumunta at nakisiksik, nilunok nya ang hiya at tinanggap ang alok nito na sasama sa ibang bansa, and the rest is history