Chapter 51 Emma's POV Naunang dumating sila Bhea kasama ang dalawang anak niya at si Ruben. Tumakbo ang anak ko ng makita ang dalawang pinsan niya. Nakita kung papalapit sa amin si doña Carlota. "Magandang tanghali po Tita Carlota." Bati namin ni Anne. "Magandang tanghali rin sa inyong dalawa. Halika kayo. Si Bhea nasa loob ng kusina." Sabi sa amin ni Doña Carlota. Parang pamilya talaga ang turing nila sa amin. Tumulong kami ni Anne na ilagay sa mesa ang mga pagkain. Masaya kaming nagtatawanan ng mga pinay na kasambahay nila Don. Anton at Tita Carlota. Nang nasa harap na kaming lahat ay masaya kaming kumakain. Maya-maya ay biglang nagsalita si Don. Anton. Sinabi niya na ok na lahat. Naka-ready na sa amin ang pagbabalik ng Pilipinas. Sabay kaming magkakapatid na nagpasalamat sa kanil

