Chapter 23 Third Person's POV Iniwan ni Anne ang binata sa kwarto at isinama niya si Ethan. Pinuntahan nila ang kwarto ng kaibigan sa kabilang room. Si Nathan nalang ang naiwan sa room at si Emma ay nasa banyo pa ito. Narinig ng binata na kumakanta ang dalaga. Napangiti ito dahil sa boses ni Emma. Kung may tulog lang na aso siguro magigising sa boses ng dalaga na sentonado. Hindi napigilan ni Nathan humalakhak sa tawa. Iba talaga ang dating ni Emma sa kan'ya. Kahit maliit lang na bagay ay napapangiti niya ang binata. Tumayo si Nathan sa kinauupuan niya. At habang hinihintay niyang lumabas ng banyo ang dalaga ay lumapit siya sa pintuan ng banyo tanging boses at kaluskos ng tubig ang narinig niya. Hindi mapigilan ng binata na matawa ulit habang kinakanta ni Emma ang kantang Ikaw by Regin

