Chapter 8
Emma's POV
Maaga akong gumising at naghahanda ng almusal namin dahil maaga raw ang luwas namin ng Maynila. Mabuti na lang wala ng ulan pagkatapos namin kumain niligpit ko ang pinagkainan namin. Maya-maya ay nakipag sidatingan ang dalawa kong kapatid at asawa ng kapatid ko at mga anak nila.
"Ate sigurado ka na ba sa plano mo na sasama sa kanya?" tanong sa akin ng dalawa kong kapatid ko tanging tango lang naisagot ko.
"Dadalawin ko naman kayo rito at alam naman niyo na napakahalaga sa atin ang bahay na 'to. Hindi pa tapos si Anne sa pag-aaral niya," sabi ko sa mga kapatid ko at niyakap nila akong dalawa ramdam ko ang pagtulo ng luha nilang dalawa sa aking balikat.
Nakita ko si Nathan at asawa ni Bhea na nag-uusap mukhang nagkasundo ang dalawa sa bagay ang asawa ng kapatid ko ay napaka-friendly. Kahit kanino swerte nga ng kapatid ko dahil loyal at mabait na asawa si Ruben.
Nang pasakay na kami sa magarang sasakyan ni Nathan ay may biglang may itim na kotse na nag-park sa harap ng bahay namin. Bigla kaming napalingon lahat kung sino 'yon. Nang makita namin kung sino ang ay ang ex-boyfriend ko na si Patrick lumapit ito samin at tinawag ako.
"Emma! Saan ang punta mo? Mag-a-abroad kaba ulit? Sino siya?" medyo galit ang tono ng pananalita niya.
"Siya ang magiging boss ko at sa Maynila ako magtrabaho na, hindi na ako babalik mag-abroad pa," at bigla niya akong hinila hawak-hawak nito ang kanang kamay ko.
"Ano ba, bitawan mo ang kamay." Madiin na sabi ko.
Pinigilan siya ni Nathan nakikita ko sa mga mata nito na gustong manuntok sa itsura niya umiigting ang kanyang panga, taas baba ang kanyang adams apple. Bigla akong nakaramdam ng kabag ng dibdib habang tinitigan ako ni Nathan na umigting ang kanyang panga.
"Emma!" baritono nitong boses.
"Wait lang kakausapin ko lang siya saglit," paalam ko sa kan'ya.
"Okay, but quickly we don't have enough time, mahaba pa ang biyahe natin at baka biglang umulan," madiin nitong sabi at tumango ako sa kanya kung magsalita siya sa akin ay parang pag-aari niya ako.
Hinila ko si Patrick palayo sa kinaroroonan namin ni Nathan para makausap ko siya ng maayos. Habang hinihila ko ang kamay ni Patrick ang mga mata ni Nathan ay sa kamay ko na hawak ko ang kamay ng ex. ko na timang.
"Patrick wala na tayong dapat pag-usapan pa. Just stay away from me," tinitingnan lang niya ako at hindi siya nagsasalita.
"Please, Emma I'm still I love you ikaw pa rin ang nasa puso ko, just give me a second chance." Seryosong sabi niya akin.
"Naka move on na ako Patrick pwede ba kalimutan muna ako. Ayoko nang ibalik pa at alalahanin ang nakaraan natin." Iniwan ko siya naglakad pabalik sa sasakyan ni Nathan narinig ko pang tinawag niya ang pangalan ko 'di ko na siya nilingon pa. Para ano iiyak na naman ako sa kanya ay kainis at lentek na luha ito ang bilis tumulo," inis kong sabi sa aking sarili.
Lumapit ako ulit sa dalawang kapatid ko. At si Patrick ay nandoon pa rin sa kinatatayuan niya hinayaan ko nalang siya
"Mag-ingat kayo dito ah, kung may kailangan kayo tawagan n'yo ako. About sa bahay natin nakapag-usap na kami ni Nathan." Habilin ko sa dalawang kapatid ko at nagpaalam din ako sa kanila.
Pumasok na ako sa kotse at umupo sa front seat at nilagay ko ang seat belt. Napatingin ako kay sir Nathan kanina masaya ang kanyang mukha ngayon parang nag-iba ang awra nito. Baghagya siyang nagsalita at tinanong niya ako
"Are you okay?" mahinahon niyang tanong sa akin para bang kay sarap pakinggan ang kanyang boses.
"Oo, okay lang ako," sagot ko at nilagay ko sa kandungan ko ang sling bag ko.
Pagkalipas ng ilang minuto ay dumating na kami Airport. Sinalubong kami ng tatlong lalaki at binaba ng isa ang maliit na maleta na dala ko at diretso sa kaming naglalakad patungo kong saan ang kanyang private jet.
Pagsakay namin nginitian ako ng dalawang babae at isang lalaki siguro mga cabin crew ito at hostess dahil sa suot nila ay malalaman mo agad.
"Good morning ma'am, sir." bati nila sa amin.
"Good morning too." I smile at them.
Sila mismo ang naghatid samin sa loob. Sobrang namangha ako sa loob ng cabin napakaganda nito mapapa-wow ka talaga sa loob umupo ka sa bandang kaliwa at malapit sa bintana.
Maya-maya ay nilapitan niya ako at umupo siya sa harap ng upuan ko at tahimik lang siya na nagmamasid sa akin. Medyo nahihiya ako sa titig niya at biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko. Tila mga kabayong nagtatakbuhan sa lakas. Ang ginawa ko nilipat ko ang tingin ko sa labas ng bintana dahil kung hindi matunaw ako sa mata niya na mapang-angkin.
"You need something?" he asked me.
"No sir," sagot ko at kumuha ako ng magazine para malibang ko ang sarili ko dahil everytime siya nagsasalita iba talaga ang pandinig ko sa baritono nitong boses.
Pagkalipas ng dalawang oras ay dumating na kami. Sabay kaming tumayo hinawakan niya ang baywang ko palabas ng cabin. Parang kinukuryente ang buong katawan ko sa paghawak niya sa baywang ko Ramdam na ramdam ko ang init niyang kamay. Palabas na kami nginitian ko ang dalawang babae at binulongan pa ako ng isa.
"Ma'am ang sexy niyo po at bagay na bagay kayo ni boss Nathan," kilig nitong sabi sa akin gusto ko sanang sabihin na hindi ko jowa ang boss n'yo nginitian ko lang siya.
"Next time 'wag kang magsuot ng ganyang damit," lalo niyang hinigpitan ang paghawak sa baywang ko. Tiningnan ko siya at tinanggal ko ang kamay niya sa baywang ko.
"Why there's something wrong ba sa suot ko?" inis na tanong ko sa kanya hindi niya sinagot ang tanong ko. At dere-diretso kaming naglalakad sa sasakyan niya. Napaisip ako kung may mali ba sa suot ko jeans and floral crop top lang naman suot ko medyo nakikita ang manipis na tiyan ko. I'm so comfortable ako sa anumang isuot ko the one I hate yung pinapakailaman ang isusuot ko. Baka isa ito sa bawal na isuot kapag nasa bahay na niya ako.
"Good afternoon sir," bati sa kan'ya ng lalaki na nasa sinkwenta ang edad nito. Lumingon ang lalaki sa akin nginitian ko siya. Bubuksan ko na sana ang pintuan ng kotse niya sa backseat pinigilan niya ako.
"Frontseat ka uupo," sabi niya sa akin siya din ang nagbukas ng pintuan ng kotse. Kahit na may pagka seryoso siya ay may taglay na naman ito na pagka-gentleman. Umikot siya sa driver seat. Pagpasok ko sa kanyang sasakyan ay umupo ako agad tumikhim siya bigla.
"Kung gusto mo bago tayo uuwi ang kumain muna tayo kong nagugutom ka," sasagot sana ako biglang tumunog ang kanyang mobile tiningnan niya ito bago niya sinagot.
Habang nag-uusap siya kabilang linya ay nahuli ng mata ko na pinagmamasdan niya ako. Kumakabog na naman ang dibdib ko ewan ko pakiramdam ko bawat titig niya sa akin ay kakaiba ang ekspresyon niya sa akin.
Maya-maya ay pinutol niya ang linya 'di ko na siya nilingon pa. Baka kung ano naman ang mangyari sa puso dahil sa mata niyang nakakaramdam ako ng kakaiba. Medyo nangangawit ang leeg ko na nakapirmi nakadungaw sa bintana ng kotse nito.
Bagya siyang nagsalita at mata ay sa akin.
"Emma baka mangawit ang leeg mo," saad niya sa akin at inayus ko pagkaupo ko at tumingin ako ng diretso. Hindi ko na siya sinagot kusa lang akong gumalaw habang seryoso siya sa pagmamaneho.
May nadaanan kaming fast food inikot niya ang sasakyan niya at pinark niya ito sa parking area bumaba kami. Nang nasa loob a kami ng fast food halos mata ng mga tao ay sa kanyang nakatingin. Nakita ko pa ang ibang babae na nagbubulungan at ang iba ay nagpapa-cute. Syempre alam ko ang ganun moves ng babae dahil I'm including of them basta gwapo ang nakikita edi ilabas ang beauty mode.
"Emma ano sayo? a?Ano ang gusto mong e-order ko sayo?" Bigla ako nagulat sa sinabi niya sa akin ang isip ko kasi lumipad nagaya tuloy ako sa ibang babae dito.
"Kahit ano na kung ano ang order mo, 'yon din sa akin at hindi pa naman akong nagugutom," tumango lang siya sa akin at humanap ako ng bakanteng maupuan. Nagpaalam ako sa kanya na uupo muna ako habang nag-oorder pa siya at sumang-ayon din siya agad.
"Mss. boyfriend mo siya?" tanong sa akin ng lalaki na katabi ng hinipuan ko 'di ko pa naibuka ang bibig ko nakita ko agad si sir Nathan na umupo sa tabi ko. Matiim niyang tiningnan ang lalaki at umalis itong bigla at hindi ko nasagot ang tanong nito sa akin.
"Alam mo sir Nathan grabi ang lakas ng appeal mo a. Tingnan mo halos mata ng tao sa'yo nakatingin. Ikaw na talaga sir sana all," ngiting sabi ko sa kaniya. Ang kanyang malalim na mata ay nakatitig lang sa akin 'di man lang siya nagsalita sa sinabi ko sa kanya. Hinayaan ko na lang siya at umupo ako ng maayos.
"In a minutes dumating na rin ang order n'yang pagkain. Napahanga ako sa kan'ya dahil sa kayayaman niya na tao ay hindi siya maarte. Bihira lang kasi sa mga billionaire ang kumakain sa fast food.
"Ang dami naman nito sir, paano natin 'to mauubos?" tanong ko sa kanya habang sumusubo ako ng french fries.
"Kumakain ka ng marami para magkalaman man lang ang katawan mo," lumaki bigla ang mata ko sa sinabi niya sa akin. Bakit payat na payat na ba talaga ako, ang iba nga e sinasabi nila sa akin ang sexy ko pero siya grrrrrr. Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya sa akin at kinagat ko ang burger na order nito.
Ikaw din sir Nathan kumain ka nang marami dahil ikaw ang uubos ng mga order mo." Tumingin lang siya sa akin.
"Akala mo sir a," sabi ng isip ko at napangiwi ako.
Pasulyap-sulyap ko siyang tinitingnan kumain parang sarap na sarap siyang kumain. Bawat subo niya sa french fries ay natatakam ako kahit na may extra french fries din ako.
"Stop staring at me Emma, kung ayaw mong pati ang french fries mo ay kakainin ko." He said at panay ang subo sa pagkain niya.
Busog na busog kaming dalawa. Bigla akong nag-hiccup, sa harap niya nakita kong tumawa ng mahina. Siguro ang mukha ko pulang-pula sa hiya.
"That's good. Can we go now?" I nodded to him.
Lumabas na kami sa fast food. Sa haba pa naman ng binti niya para bakong naghahabol sa bilis ng kanyang hakbang.
"Faster Emma," he said.
"Okay po sir," sabi ko ang mabilis na hakbang din ginawa ko napapa haist lang ako.
Sumunod naman ako sa sinabi niya. Magre-react sana ako na dahan-dahan sa paglakad dahil katapus lang namin kumain. Pero 'di na ako umangal pa. Hanggang sa nasa parking area na kami. Sabay kaming pumasok sa kanyang sasakyan.
Nang paandarin na niya ang sasakyan hindi ko maiwasang hindi ko pa ring mangiti ng palihim sa sa kanya. He asked me kung naiinitan ba ako sa loob ng kanyang sasakyan. Sinabihan ko siya na ok lang hindi mainit dahil sa totoo lang ang lamig sa loob ng kanyang sasakyan. Nilalamig o giniginaw na nga ako sa lakas ng aircon.
Nang tingnan ko siyang na nagmamaneho napansin kong nakatitig din siya sa akin. Hindi ko maipaliwanag kung bakit ganito ang nararamdaman ko.
Sinuway ko ang isip ko. "Please Emma utang na loob mag-ayos ka kung anu-ano ang nasa kokote mo, kaya sumama ka sa kanya dahil sa utang." Sabi ng isip ko at inayos ko ang umupo ko.