Chapter 10 Emma's POV "Parang kahapon lang 'di ko namalayan na, almost one month na ako dito sa penthouse ni sir Nathan. Ang bilis talaga ng araw," kausap ko ang sarili ko habang inaayos ko ang higaan ko. Lumabas ako sa kwarto ko at sinilip ko kung gising na ba si Ethan. Dahil araw ng sabado ngayon ay wala siyang pasok pati na rin si sir Nathan. As usual family bonding silang dalawa dahil hanggang ngayon ay nasa America parin ang mga magulang ni sir Nathan. Tulog pa rin ang bata at sinarado kong dahan-dahan ang pintuan. Para hindi ito magising dahil alas siyete palang ng umaga. Dumeritso ako sa kusina para makapag luto ako ng almusal at wala rin si Bella sa araw ng weekend. Umuwi lang siya rito sa araw ng Lunes. Pakanta-kanta pa ako habang papasok ng kusina. Maganda kasi ang gising k

