Chapter 6

1875 Words
Chapter 6 Third Person's POV "Sir," tawag sa kan'ya ng kanyang sekretarya at nilingon niya ito. "Yes, Mrs.Sabado there's something wrong?" she asked her secretary. "No, sir. I just want to remind you sir na may meeting po kayong mamayang hapon, sa Madison restaurant at three pm sir," sabi sa kanya ng sekretarya nito. "Thank you," sagot niya at pumasok siya sa kanyang sariling opisina. Pagpasok niya ay tumayo siya sa malapit sa bintana na natatanaw ang buong siyudad ng Maynila. Ito ang isa sa mga gusto niya pag may iniisip siya ay tumatayo siya sa harap ng bintana. Dahil nakapag-isip siya ng maayos habang pinagmamasdan niya ang lawak nang city. Kinuha niya ang kanyang cellphone sa bulsa ng pantalon nito. Tinawagan niya ang kanyang sariling piloto. Para ipahanda niya ang kanyang Private Jet Jones Carter. Dahil bukas na bukas din ay pupuntahan na niya ang dalaga sa kanyang probinsya. Hanggang ngayon ay 'di pa rin nawala sa isip nito na narinig siya ng dalaga nakikipagtalik sa ibang babae. Pakiramdam niya ay may nagawa siyang mali sa dalaga tinapal niya ang kanyang noo at umupo siya sa maliit na sofa ng kanyang opisina. "What the hell," he said. Dinayal niya ang numero ng private pilot nito. "Hello. Bob, everything is ready for tomorrow." He asked his private Pilot. "Yes sir, sagot ng kanyang piloto at binaba niya agad ang tawag. Pag-upo niya sa kanyang brown Hamilton leather swivel chair office ay may biglang may kumatok sa pinto ng kanyang opisina. Tumayo siya at binuksan nito ang pinto. Pagbukas niya ang anak nito at ang yaya ng kanyang anak ang nabuksan niya sa labas ng pintuan ng kanyang opisina. "Dady," sabi ng kanyang anak at niyakap siya, tinatanong kung kailan darating ang babaeng matagal nang hinihintay ng kanyang anak. "Daddy. When will tita Emma come?" his son asked him. Gagawa na naman ng ibang kwento ang binata kung ano ang isasagot niya sa kanyang anak. Napabuntong hininga si Nathan at nilaro ang buhok ng kanyang anak at nginitian nito. "Sir, pasensya na po na bigla kaming pumunta rito ng walang paalam, namimilit po kasi sa akin si Ethan eh." Sabi ng yaya ng kanyang anak at nakayuko ko ito sa harapan ng binata. "It's ok Bella." Sagot niya sa yaya ng anak nito. "Son, very soon makakasama mo rin siya. You know what your dad wants. He will get what he wants." sabi niya sa anak nito at kinindatan ang kanyang anak. "Did you eat your lunch?" tanong niya sa anak. "Yes dad," sagot sa kanyang anak nito. "Good boy." habang nilalaro niya ang buhok ng anak. Kinausap niya ang kanyang anak na umuwi na dahil may mga meeting pa siyang dadaluhan at ayaw din niyang mainip ang anak nito sa kanyang opisina at sumang-ayon din ang anak niya. "Okay dad, promise me na mahanap muna si tita Emma because, I really like her dad. I want her with me. I want to play with her." sunod-sunod na sambit ng kanyang anak. "Yes son, I promised but promise me too na 'wag maging matigas ang ulo at kumain ka ng mabuti para pag nandito na ang tita Emma mo makita ka niya na good boy ka." Payo nito sa kanyang anak at tumango-tango ang kanyang anak. Hinalikan niya sa noo ang kanyang anak at lumabas na rin sa silid ng opisina ang mga ito. Kinabukasan ay maagang gumising si Nathan dahil nangako siya sa anak nito na mahahanap niya ang dalaga. Hindi niya lang sinasabi sa anak na alam na niya kung saan ang dalaga. Ayaw lang niyang umaasa ang anak. Minsan na tanong ng binata sa kanyang isip na ano ba ang meron sa dalaga na hanap-hanap siya ng kanyang anak. Wala sa araw at gabi ay ang pangalan ng dalaga ang binabanggit nito. "Manong Berto sa Airport po tayo Terminal three." Sabi niya sa kanyang driver. Pumasok agad siya sa loob ng sasakyan niyang black Mercedes-Benz nito at tinanguan siya ng kanyang driver at pinaandar agad ni manong Berto ang sasakyan. Nang nasa terminal three airport na siya ay dumeretso siya agad sa kanyang private jet. Mabilis na sinalubong siya ng ibang tauhan nito at ng kanyang private pilot. "Good morning Mr. Jones," bati sa kan'ya ng piloto. "Good morning too, Bob." He said. Dumiretso agad si Nathan sa kanyang sariling cabin at nag-relax. The cabin is very tidy, everything are very expensive and classy nakakamangha ang loob nito masasabi mo talagang perfect upuan palang nito was so elegant. Buong magdamag wala itong tulog ang binata sa kakaisip sa dalaga. Sa wakas ay magkikita na sila. It's been a month na hinahanap niya ito. Hindi siya titigil na the same day din niya isasama sa Manila ang dalaga. "Sir, would you like to drink something?" tanong sa kan'ya ng hostess. "Yes please, just coffee," he said. Pagtalikod ng hostess ay tinaas ni Nathan ang kanyang paa at nilagay sa taas ng mesa. Kanina pang hindi mapakali ang binata sa kinauupuan nito. Tumayo siya at umikot-ikot sa loob ng cabin habang umiinom ng tubig. Ilang saglit ay dumating ang hostess na dala-dala ang one cup of coffee para sa binata. "Excuse me sir, your coffee here," the hostess said. "Thank you," he said and he drank the coffee slowly, na bigay ng private hostess. Pagkalipas ng ilang minuto ay lumipad na rin ang kanyang private jet. Habang nakaupo si Nathan ay nag-iisip siya at napapangiti siya ng walang dahilan. Hanggang malapit ng maglanding ang kanyang private jet. "Finally we arrive here in General Santos City Airport " sambit niya sa kanyang sarili. "Have fun and enjoy your day here in General Santos sir. Maraming magaganda tanawin dito sa probinsya na ito sir. If you have extra time try the Tuna Park to visit I'm sure na mag-e-enjoy po kayo." The cabin crew said. "Thanks, I will try." he said and he smiled at them. Pagbaba niya sa kanyang private jet ay sinalubong siya ng dalawang malaking lalaki. Sabay nila itong binati ang binata at binuksan ang pintuan ng ng kotse na Dark Blue Range Rover. Sinabihan niya agad ang dalawang lalake na siya ang nagmamaneho gusto niya na siya lang mag-isa tutungo kung saan nakatira ang dalaga. "Ano ang saysay ng GPS kung 'di ko 'to e-on at gamitin para madali ko mahanap ang bahay ng dalaga." Sabi niya sa isip nito at mabilis niya pinaandar ang kanyang kotse. At nilagay niya ang cellphone sa harap nito at naka-on ang GPS niya para madali niyang matunton ang bahay ng dalaga. Habang nagmamaneho ang binata binuksan niya ang bintana ng kotse nalalanghap niya ang sariwang simoy hangin sa labas napapangiti ang binata. While he's driving pakiramdam ng binata nakaiwas siya sa polusyon ng Manila dahil iba talaga ang hangin ng probinsya kumpara sa siyudad. Hindi niya namalayan nakarating na siya kahit na medyo siya nahirapan sa daan dahil lubak-lubak ang daanan. He doesn't care mahalaga sa kan'ya ay nakita niya ang dalaga at madala niya ito sa kanyang bahay. "Ale, saan po ang bahay ni Emma Oliveroz?" tanong niya sa babae na nakaupo sa harap ng mini sari-sari store. "Hijo, yan ang bahay niya. Si Emma ba yung maganda babae na maputi ba ang hanap n'yo," sabi sa kan'ya ng babae. "Opo," sagot nito at nagpasalamat siya sa babae at nginitian niya ito. Pinark niya ang kanyang kotse sa harap ng bahay nila Emma. Halos lahat ng mata ng mga tao ay sa binata nakatingin sa kanya. Paglabas nito sa kanyang sasakyan ay nginitian niya ang mga nakatingin sa kan'ya. Sino ba naman ang hindi makatingin sa taong saksakan ng kagwapuhan pangangatawan palang ay makikita mo talaga na alagang gym ito. Kahit sinong babae ang makakita ay nakakalaglag ng panty at mapapa sana-all kung sino ang makakita sa taglay nitong karisma. "Boss, sino po ang pakay nyo rito sa barangay namin?" tanong sa kanya ng isang lalaki na hawak-hawak pa nito ang basong may lamang kape. "Si Emma po sir," magalang na sabi niya sa lalaki at tinuro din sa ka'nya ang bahay ng dalaga at nagpasalamat ang binata at lumakad patungo sa bahay ng dalaga. Pagkatok niya sa pinto ang dalaga ang nagbukas nito. Sa gulat ni Emma na bumungad sa mata niya ng buksan niya ang pinto. Lumaki ang kanyang dalawang mata sa nakikita sa harapan niya ang multi-billionaire na binata, ang nasa labas ng pintuan nila. Nabitawan niya ang hawak na baso na may lamang tubig. Nakanganga ang dalaga at napaawang labi nito at lumaki ang mata sa taong kaharap. Hindi niya akalain na nasa harapan niya ang binata. Hindi kasi sinabi ng binata kay Emma ang dating nito at wala siyang kaalam-alam. "Hindi mo ba akong papasukin Ms. Emma?" tanong niya sa dalaga. "Tuloy po kayo," nauutal-utal na sa saad ng dalaga sa binata at pinatuloy niya ito sa maliit nilang living room. "Bakit po sir, 'di niyo po ako ini-inform na darating kayo ngayon araw? Sana naman nakapaghanda ako sa pagdating nyo," wika nito sa binata. Tiningnan lang siya ng binata at wala siyang sagot sa tanong ng dalaga sa kan'ya. Nainis tuloy ang dalaga dahil 'di man lang siya sinagot ng binata tumayo ito at pinaghanda niya ng maiinom. Nang timplahan siya ng orange juice at nilagyan din niya ng three cubes of ice para lalong lumamig kasi napansin niya pinapawisan ang binata. "Sir, uminom muna kayo ng orange juice," sabay abot nito sa binata ang basong may lamang juice. "Thank you," sagot at pasalamat niya sa dalaga at ininom niya agad ang juice na bigay sa kanya. Lumapit ang bunsong kapatid ni Emma. Para sabihin na naubusan sila ng gas. Nagulat din ang kapatid ni Emma sa nakikita ng dalawang mata niya. Pinakilala niya ang kanyang kapatid sa binata. "Ate, naubusan po tayo ng gas. Oaano ang sinaing natin wala tayong gas.?" sabi ng kapatid nito sa kan'ya at nag-excuse siya sa binata at pinuntahan niya ang kapatid sa kusina. "Paano yan ate ang sinaing natin at may bisita pa naman tayo na biglang dumating hindi ba siya nag-message na darating siya ngayon?" tanong ng kapatid niya. "Hindi, kung alam ko lang na darating edi nakapaghanda ako. 'Di nga nagsasalita sa mga tanong ko e. Napaka seryoso niyang tumingin parang nanlalamun ng tao," sabi niya sa kapatid at tinawanan siya ng malakas nito. "Kasi naman ate tingnan mo nga ang suot mo at itsura mo sa salamin. Para kang batang maliit sa suot mo. Bakat na bakat ang harap mo at sando lang ang panloob mo, buti kung may ibubuga ang hinaharap mo." tudyo sa kanya ng kapatid nito. Nahiya tuloy siya sa kanyang sarili. Noong isang araw ang laman ng isip niya ay ang binata pero sa pangalawang pagkikita nila ay ito ang mangyari. Sa sobrang hiya ay mabilis niyang tinakbo ang sariling kwarto. Sinilip din niya ang binata sa nakaupo sa maliit nilang sala. Nakita niya itong naubos na niyang inumin ang bigay na isang basong juice. Ngumiti ang dalaga habang sinisilip niya ng palihim si Nathan. "Ang gwapo talaga niya," sabi ng isip nito. At pumasok na siya sa kanyang kwarto baka makita pa siya ng binata na palihim siyang naninilip madagdagan pa ang kahihiyan niya ngayon sa suot nito. Padabog-dabog siyang pumasok sa kanyang kwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD